Level 8 - Deal

348 6 0
                                    

@parkhyojin21 thanks a lot :D

============================================================

"Anong meron dito?!" kung walang lahi ng kabuti tong disciplinary siguro pinaglihi to dun. Bigla na lang sumulpot eh!! "Anong nangyari sa panga mo?" tanong nung disciplinary dun sa gago.

"Sinuntok nya po" sagot nung gago habang nakatingin sakin. Wala na!! Bwisit!

"Ms. Montemayor at ikaw sumunod kayo sakin sa detention room."

***

"Hindi naman self dense ang ginawa mong pagsuntok kay Mr. Montes tama ba Ms. Montemayor?" Tumango na lang ako. Nandito na kami sa detention room at as usual kahit wala silang naririnig sa pinag-uusapan namin, sisikan na naman dun sa nakasaradong sliding window ang mga nakikiusyoso. Mas dumami sila ngayon. Pano ba naman isang heartthrob ng university ang nasuntok ko. Laking issue!!

"Ginawa mo yun dahil nabwisit ka sa kanya?" tumango na lang ulit ako. Totoo na nabwisit ako sa kanya. Kesa sabihin kong nabwisit ako sa kanya dahil ayaw nya akong paalisin dahil nag-over the bakod ako! Buti na lang at di nagsasalita ang gago sa ginawa kung yun.

"Dahil dyan second offense ka na Ms. Montemayor" ano pa nga ba? Mukhang masasamahan ko pa si impakta. "May gusto pa ba kayong sabihin?"

"Meron po" sagot nung gago. "Offense din po ba ang pagliban sa bakod ng school?"

"Oo naman. Lalo na kung ginawa yun para makapasok o tumakas ng school. Isa yun sa mga major offenses" ngumisi sya sakin at at poker face lang ako. Wala naman syang pruweba kaya ano pang silbi kung magsumbong sya?

Habang busy sa pag-aayos ng ducuments yung disciplinary kinuha nya ang phone nya at may ipinakita saking video. Ang linaw nang pagkaka-video at kitang-kita na lumiban ako bakod ng school!! Wala akong kawala!!

Pansin nyang nabigla ako kaya napangiti sya ng malapad. Umiling ako ng todo. Sana magets nya ang ibig kong sabihn na wag syang magsususmbong. Third offense na ako kapag nagkataon. Ayokong ma-expel! Kapag nalaman yun ni mama baka magalit yun sakin. Baka isipin nya binalewala ko yung bilin nya. Baka hindi na sya bumalik dito! Wag naman!

"Bakit Mr. Montes?"

"Wala naman po. Tanong ko lang" nakahinga ako ng maluwag dun. Buti naman.

"Nga pala Ms. Montemayor pumunta ka sa office ni Ms. Rivera at ikaw Mr. Montes pumunta ka sa office ni Mr. Dantes."

"Ngayon na po?"

"Oo. Makaka-alis na kayo."

Pagkabukas ko nung pinto nagsialisan yung mga nakikiusyoso.

"May utang ka sakin" sabi sakin nung gago.

"Di ako umuutang sayo."

"Slow mo" ako pa ang slow ha?! "Hindi ko sinumbong yung pagliban mo sa bakod diba."

"Oh tapos??"

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon