Bonus Round - Her point of view

65 3 0
                                    

Louise' POV

"Louise eto na!!" kumakain ako ng breakfast when manang Remy said that. Sa lahat ng maids namin sa kanya ako pinaka close. Whenever na nasa business trip ang parents ko when I was still a kid she's the one who act's like my second parent.

I can't help to smile and inabot yung the usual small violet envelope "Basahin mo na" excited and at the time kinilig na sabi ni manang sakin. I opened the envelope and as expected there's a card inside.  "Sa lahat ng mga nagbibigay ng kung ano-ano sayo sya ang pinaka-kakaiba. Halos tatlong taon ng nagbibigay sayo ng mga letter at mga regalo  pero hindi parin nagpapakilala."

"Ewan ko nga rin po manang."

Yeah its been almost three years since that secret prince started giving me these letters. Yet I still don't know who he is. From then on it became my everyday habit na hintayin ang mga letters na galing sa kanya.

I opened the card and read the letter.

Good morning Louise =)

 

May tatlo akong wish para sa araw na to. Alam mo ba kung ano ang mga wish ko? Syempre hindi haha. Pero dahil malakas ka sakin sasabihin ko  sayo.

First wish  ko, mabasa mo tong letter ko. Ang dami kase laging nagbibigay ng mga kung ano-ano sayo. Baka natatambakan na lang tong sakin. Minsan nga napapatanong ako kung nabasa mo kaya tong mga letter ko. Kung binabasa mo to ngayon malamang natupad na ang first wish ko :)

 

Second wish, bago ko sabihin may ikwekwento muna ako sayo. Maikli lang to. Wag ka namang tamarin sa pagbabasa. So ito na.

Pinabili si Juan ng nanay nya ng tinapay. Habang nasa daan sya papauwi nalaglag yung tinapay sa bangin.

Juan: Nay nahulog po yung tinapay sa bangin.

Nanay: Hayaan mo na. Madumi na yun. Bumili ka na lang ulit. Eto pambili.

Bumili ulit si Juan kaso nalaglag na naman yung tinapay sa bangin . Sinabi nya ulit sa nanay nya at ganun parin ang sagot ng nanay nya. Na madumi na yun kaya hayaan na.

Matapos ulit makabili ni Juan naglakad na sya pabalik sa bahay nila. Lumapit naman sa kanya yung kapit-bahay nila.

Kapit-bahay: Juan ang nanay mo nahulog sa bangin!

Juan:  Hayaan mo na yun. Madumi na yun.

Napatigil ako sa pagbabasa and burst into laughter because of that story. Nung tumigil na ako, I continue to read the letter.

Waley ba? Natawa kasi ako dyan nung ikwenento yun sakin kaya kwinento ko na rin sayo. Baka sakaling mapasaya ka rin nito. Yun kase ang second wish ko.

If you only knew how that story made me laugh.

Third wish ko, ang makita kang nakangiti. Yun lang masaya na ako. Kase alam kung okay ka kapag ganun.

 

Secret Prince =)

Reading his  letter never fails to make me happy.

"Ang sweet naman ng manliligaw ng alaga ko" manang Remi said habang kinilig pa.

I just smiled slightly at her "Hindi naman po sya nanliligaw manang, ni hindi ko nga din po kilala kung sino sya" sa lahat ng mga letters na pinadala nya so far walang nakalagay dun na nililigawan nya ako, na may gusto sya sakin. He just said that I'm special to him and nothing more.

That Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon