Chapter 28 - Please don't be in love with someone else
[Johnny's POV]
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nangyari na. Nalaman na niya yung totoo.
Hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa kaniya lahat.
HAY. Fck! Nakakainis!
Kaya naman pinuntahan ko siya dito sa kanila para kausapin siya.
**
[Now playing: Maghihintay by Yeng Constantino]
"Ayoko. Ayoko nang maniwala sayo. Ang sabi mo.. hihintayin mo ko diba? Oh ano? Anong nangyari sa pangako mo?"
Bakit siya umiiyak? Rein..
"Mukhang masyado akong nagtiwala sayo. Nagtiwala ako na hanggang sa pagbalik ko, walang magbabago sating dalawa. Sorry. Hindi ko dapat ginawa yun."
"Hindi ko--"
"Kung hindi mo naman kayang tuparin dapat hindi ka na lang nangako."
"Rein, bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Kasi mahal kita!"
"O____O"
ANO? Tama ba yung narinig ko?
"Mahal pa din kita! Kaya nasasaktan akong makita kang kasama siya! Hindi ko kaya!! TT___TT"
"Pinilit kitang kalimutan Johnny! Kaya ako umalis para makalimutan lahat! Pero.. hindi ko nagawa. Nung nakita kita, bumalik nanaman lahat. Yung saya.. at yung sakit.."
O________O
Si Rein.. hanggang ngayon..
"Ginawa ko lahat para lang kalimutan ka na. Akala ko okay na ko eh. Kaya pumayag akong bumalik. Kasi akala ko kaya ko na. Hindi pa din pala. Tuwing nakikita kita, nasasaktan ako.."
"Lalo na ngayon. Lalo na ngayong may iba na."
"Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko ngayon. Bakit kailangang mangyari to? Bakit ba kasi masyado akong umasa sa mga pangako mo."
"Rein.."
"Wala na kong magagawa. Eto na yung huli. Tatanggapin ko na lang. Kahit mahirap. Ayoko nang pahirapan yung sarili ko. Papabayaan na lang kita. Magpapanggap ako hanggang kaya ko. Wag mo kong intindihin. Ayos lang ako."
BINABASA MO ANG
I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)
Teen FictionMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. "Are their hearts still beat as one?" This is the sequel of MR. HEARTHROB BROKE MY HEART (MHBMH Rein and Johnny) written by SooRinn. THIS IS MHBMH2. BASAHIN NIYO MUNA YUNG BOOK 1. :) I'm still in love wi...