Chapter 62 - White lady sa hallway
[Rein's POV]
Pangatlong araw na ng University fest. Nagsasawa na kong maging white lady. Buti na lang laging nandito si Johnny kaya may nakakausap ako. Minsan kasi may naririnig akong sumisitsit kahit wala namang ibang tao. Creepy.
"AAAHH!"
"Hahaha. Cool!" Magkasama kami ni Johnny na nananakot dito.
"Pst."
O___O
"Narinig mo ba yun?"
"Alin?"
"Pst."
"Ayun oh!"
"Ano ba yun!"
"Johnny wag mo kong takutin ah!"
"Ano ka ba? Hindi ko nga alam kung anong sinasabi mo diyan eh!"
"Pst."
"AH!"
Napahawak ako ng mahigpit sa braso niya.
"Hay nako. Wag mo ngang takutin yung sarili mo."
Tinulak ko siya ng mahina.
"Eh kahapon ko pa kaya naririnig yun!"
"Teka. Eh yung kwento tungkol sa hallways ng SU narinig mo na ba?"
"JOHNNY!"
"Siguro hindi pa dahil last year ka lang nag-aral dito. First year pa lang kami nung kumalat yung kwentong yun."
"Hindi yun totoo."
"Ano ka? Marami na kayang alumni ng SU ang nagsabing totoo yun."
"Wag mo nang ikwento!"
"Ano ka ba? Hindi kumpleto yung pag-aaral mo dito sa SU kung hindi mo alam yung kwentong yun."
"AYOKO!"
"Dati daw ospital tong kinatatayuan ng SU..."
"Lalalalalalalalala...."
"Nung panahon ng hapon, sa ospital na yun dinala lahat ng mga nabiktima ng giyera..."
"Lalalalalalalala..."
"Sabi nila, yung morge daw ay nasa first floor. Sa hallway malapit sa canteen. Alam mo ba kung saan nakapwesto yung booth natin? Malapit tayo sa hallway na yun."
NAKAKAINIS NAMAN EH!!
"Lalalalalalala..."
"Tuwing 7pm, lahat ng dumadaan sa halway na yun, sinusundan ng malamig na hangin at nakakaramdam na may humahawak sa binti nila. Kahit saan ka magpunta, susundan ka ng kaluluwang yun."
"LALALALALALALA!!!"
"May white lady na gumagala sa first floor. Kahit dito sa kinatatayuan ng booth natin, madalas daw nakikita yung white lady na yun. Duguan at puro tahi ang katawan."
"JOHNNY!! Tumigil ka na nga!"
"Minsan daw, nagpapanggap siyang isa sa mga estudyante ng SU. Makikipagkaibigan siya at pagkatapos, dadating yung araw na ipapakita niya dun sa taong yun yung tunay niyang itsura. At lahat ng nakakakita sa kaniya, Natatrauma."
"LALALA--Bakit ba dito sa lugar na to pa napili mong ikwento sakin yan?!!"
"Nakikinig ka din pala."
"Nakakainis ka naman eh!" Sabay hamapas ko sa kaniya nang sunod-sunod.
"Hoy! Hoy! Masakit! Ah!"
BINABASA MO ANG
I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)
Teen FictionMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. "Are their hearts still beat as one?" This is the sequel of MR. HEARTHROB BROKE MY HEART (MHBMH Rein and Johnny) written by SooRinn. THIS IS MHBMH2. BASAHIN NIYO MUNA YUNG BOOK 1. :) I'm still in love wi...