Chapter 94 - I will always love you

1.2K 31 6
                                    

Ito na ang second to the last chapter. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat!

Medyo bibitinin ko muna kayo dahil hindi ako mag-u-update bukas. Hahahaha. ;)

______________________________________________

Chapter 94 - I will always love you

[Rein's POV]

Magkasama kami ngayon ni Johnny sa moonstar park.

Nagkukwentuhan kami habang kumakain ng ice cream.

"Ano bang nangyari sayo nung 2 years na nawala ako?"

"Ugh. Gusto mo ba talagang malaman?"

"Oo naman."

"Halos mabaliw lang naman ako. Anniversary natin nung naaksidente ka. Tapos akala talaga naming lahat, namatay ka. Tumigil yung mundo ko. Parang gumuho na lahat ng pangarap ko. Lahat ng pinaghirapan ko parang, nauwi sa wala. Pumunta ko ng Canada. Kasama si Bhessy, Dennis at Bea. Doon, sinubukan kong mag-move on. Pero sobrang hirap eh. Hindi kita kayang kalimutan. Bumalik nanaman ako sa dati. Naging badgirl ulit ako dun. Nakikipag-away, laging umuuwi ng gabi na lasing na lasing."

"Ugh. Hindi mo talaga kayang mawala ako no?"

"OO NAMAN! Alam mo bang.. nag-overdose pa ko sa gamot? Naglaslas din ako. Pabalik-balik nga ako sa ospital eh."

"Baliw ka ba? Bakit mo naman ginawa yun?!"

"Kasi nga akala ko wala ka na! Kaya gusto ko na lang ding mawala."

"Baliw ka talaga." Sabay gulo sa buhok ko.

"Aksidente pa nga akong nasaksak no'n eh. Pero nakaligtas naman ako. Ang dami talagang nangyari eh."

"Hindi ka ba talaga nagmahal ng iba nung nawala ako?" I looked at him.

"Oo naman. Hindi no. Pero.. honestly.. sinubukan ko."

"ANO?!"

"Sinubukan ko lang pero hindi ko naman nagawa! Ikaw pa din talaga eh."

"Sino naman yun ha?"

"Si Kurt."

"Si Kurt?!"

"Eh kasi siya yung lagi kong kasama no'n. Siya yung laging nagcocomfort sakin tuwing malungkot ako."

"Pano kung.. namatay nga talaga ko? Bibigyan mo ba siya ng chance?"

"Huh? Kung.. okay lang sayo."

"Ugh. Syempre hindi! Dapat ako lang!"

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon