Chapter 64 - Porsche
[Rein's POV]
Nagtago kami sa isang tindahan.
"Whew." -Johnny
"Wala na ba sila?"
"Mukhang wala na."
"Anong sa inyo?"
Ugh! :O
May isang lola na lumapit samin. Mukhang siya yung may-ari nitong tindahan. Matanda na siya kaya siguro hindi niya kami kilala.
"Uhh. Sorry po lola. Kailangan lang po namin ng mapagtataguan eh." Sabi ko.
"Aba bakit naman?"
"May humahabol po kasi samin."
"Ano? Bakit? Mga pulis ba? Mga kriminal ba kayo?!"
"Naku hindi po! Hindi po!" Sabi namin with matching kaway-kaway pa ng kamay.
"Eh kung ganon, sino bang humahabol sa inyong dalawa?"
"Uhh. Mga.. paparazzi po lola." -Ako
"Paparat-- Ano?"
Ngumiti lang kami.
"Ay dibale. Pumasok na muna kayo. Halikayo. Maupo kayo at kukuha lang ako ng tubig."
"Salamat po." -Johnny
Umupo kami dun sa upuang kahoy. Tindahan at bahay na din pala niya to.
"Oh eto."
"Salamat po."
Umupo siya sa harap namin.
"Mag-isa lang po ba kayo dito lola?" I asked.
"Hindi. Kasama ko yung bunso kong anak at yung mga apo ko."
"Nasaan po sila?" -Johnny
"Yung anak ko, nagtatrabaho. Ayun naman yung mga apo ko sa labas, nakikipaglaro."
"Salamat po ulit sa pagpapatuloy niyo dito samin."
"Wala iyon. Teka, parang nakikita ko kayo sa TV ah. Kayo ba yung bida doon sa 'Ang Rosas na dilaw'?"
O____O
"Po? Hahahaha. Hindi po." Sabay pa kami.
"Eh doon sa dramang, 'Kinuha mo na ang lahat'?"
"Hindi din po." Natatawang sabi ni Johnny.
"Ganun ba? Naku tumatanda na talaga ko."
"Hindi po kami mga artista. Model po ako. Sofia po. :)"
"Ako naman po si Johnny. Motor racer."
"Aba eh niloloko niyo lang yata ako eh."
Nagtinginan na lang kami ni Johnny at sabay na natawa.
"Sige po. Mauna na po kami. Salamt po ulit sa pagpapatuloy niyo samin."
"Wala iyon."
Kumuha ako ng 1,000 sa wallet ko at binigay kay lola.
"Eto po oh."
"Naku hija. Nakakahiya naman. Huwag na."
"Hindi po. Okay lang po yan. Kunin niyo na po."
"Maraming salamat. Sigurado akong magiging maganda ang samahan niyong dalawa."
Ngumiti lang kami at umalis na. Wala na yung paparazzi na sumusunod samin.
"Advance happy birthday Johnny."
"Psh. Sinigurado mo talaga na una kang babati sakin ah."
"Syempre! 20 years old ka na. Biruin mo, ganun na pala tayo katagal na magkakilala? Hmm. 8 years?"
BINABASA MO ANG
I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)
Novela JuvenilMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. "Are their hearts still beat as one?" This is the sequel of MR. HEARTHROB BROKE MY HEART (MHBMH Rein and Johnny) written by SooRinn. THIS IS MHBMH2. BASAHIN NIYO MUNA YUNG BOOK 1. :) I'm still in love wi...