Chapter 89 - The reason why

975 23 5
                                    

Hello guys! Panoorin niyo yung bago kong video sa right side. "Meet the black rose" Para sa next story ko. Thank you!

_________________________________

Chapter 89 - The reason why

[Rein's POV]

"Fine. Panalo ka na. Nalaman mo na. Happy?"

So..

"Oo. Si Miko at si Johnny ay iisa."

O___O

FInally. I heard it from her.

"Ugh. Sabi ko na nga ba. Totoo lahat ng hinala ko. Imposible naman kasi na magkamukhang-magkamukha sila. Imposible ding kambal sila."

"Masaya ka na ba? Ginulo mo nanaman ako?"

"Anong ginulo? Kami ang ginulo mo. Sobrang laking gulo ang ginawa mo. Now tell me. Ano talagang nangyari, 2 years ago."

"Obvious naman diba? Hindi siya namatay. Nagka-amnesia siya."

I rolled my eyes.

"I thought na nakaget-over na ko sa kaniya after he pulled out the wedding and chose you over me. Pero hindi pa pala. Hindi pa din ako okay. Sinundan ko siya sa Tagaytay that day. At nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya naaksidente. Kung paano nalaglag yung sasakyan niya dun sa bangin. Kitang-kita ko lahat."

What.

"Pinuntahan ko siya agad. Nakita ko na wala nang malay yung mga kasama niya. Sugatan at duguan silang lahat. May malay si Johnny pero nanghihina siya at hindi makapagsalita. Sugatan din siya. Syempre hindi ko na kailangang mag-isip kung anong gagawin ko. I saved him. Pero nung kinuha ko siya, naisip ko na hahanapin niyo siya. Magtataka kayo kung bigla na lang siyang mawawala. Nakita ko yung suot niyang singsing and I think na ayun yung magiging palatandaan niyo sa kaniya kaya naman nilipat ko 'yon sa isa pa niyang kasama."

O____O

Ohmyghad. This btch.

"Noong naisakay ko na siya sa sasakyan ko, sumabog yung kotse na sinakyan niya. Alam mo, you should at least thank me because I saved him."

"Ugh. What the hell?"

"Dinala ko siya sa ospital na Uncle ko ang may-ari. Kaya walang ibang nakaalam na nandun siya. Tatlong araw siyang walang malay. Halos mabaliw ako at hindi ko alam yung gagawin ko. I almost kneel in front of my uncle and beg him to save Johnny. Sa ospital na din ako natutulog para bantayan siya. Hanggang sa gumising siya. Hindi na niya ko maalala. Wala na siyang kahit na anong maalala."

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Seryoso? Ginawa niya yun? Bakit ba hindi pumasok sa isip ko yun?

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon