Chapter 88 - Still the one

983 20 3
                                    

I'm sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Nawalan kasi kami ng internet connection eh. :(

Here's chapter 88. Sorry for the long wait. :)

____________________________________________

Chapter 88 - Still the one

[Rein's POV]

[Now playing: You're still the one by Brian Mcknight]

Si Johnny.

Siya nga si Johnny!

Dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug dugdug...

PAANO NANGYARI YUN.

Yung peklat.

Meron siyang peklat.

OHMYGOD.

Kakaibang kasiyahan yung nagtatago ngayon sa loob ko. Hindi ko maipaliwanag at parang may mga fireworks na sa paligid ko!

Bigla siyang humarap dito at inabot sakin yung isa pang tshirt na binili namin kanina.

"Here."

"T-Thanks." Nanginginig ko pang sabi.

Tumalikod siya pero hindi ko alam na bigla ko na siyang niyakap mula sa likod. Tuluyan na kong naiyak.

"Sofia? May problema ba?"

TT______TT

"Sofia?"

Iyak lang ako nang iyak.

"Hey."

Medyo matagal na nga yata akong nakayakap sa kaniya at nakatapos na ko ng kalahati ng isang kanta. Bumitaw na din ako tapos humarap siya sakin.

"May problema ba?"

Umiiyak akong umiling at nagpunas ng luha pero may kakaiba talagang happiness sa loob ko. Si Johnny nga. Si Johnny nga talaga 'tong nasa harap ko.

Hindi ko na mapigilan yung sayang nararamdaman ko ngayon! Kailangan ko namang makumpirma 'to ngayon. Kailangan kong marinig mismo mula kay Agatha at kailangan niyang ipaliwanang sakin kung ano talagang nangyari.

Natulala na ko at nakatingin lang ako sa kaniya. Ohmyghad. Ohmyhaaad!! TT__TT

HIndi pa  rin ako makapaniwala at parang ayaw pa ring mag-sink in sakin na si Johnny at si Miko ay iisa.

The whole time, si Johnny pala yung kasama ko. AAAHHH!!

"Hindi ka pa ba inaantok? Gusto mo pang maghapunan?"

Umiling lang ako. "Busog pa ko."

"Kanina sabi mo gutom ka."

"H-hindi. Joke lang yun."

"Sige. Matulog ka na din. Goodnight! :)"

"Hm. Goodnight."

Pinatay na niya yung lampshade at nahiga na. Nakatagilid siya opposite dito sa side ko. Hindi pa din siya nakasuot ng tshirt. Kahit madilim, nakikita ko yung peklat na gawa nung aksidente niya sa motor racing.

Ngayon, hindi na talaga ko pwedeng magkamali.

Pinili kong 'wag munang sabihin sa kaniya yun totoo. Na 'wag munang sabihin sa kaniya na siya si Johnny. Hindi pa muna ngayon.

Ako, si Angeline, si ate Jam at ang barkada lang ang pwedeng makaalam nito.

Basta ang alam ko lang ngayon, sobrang saya ko na malamang si Miko ay si Johnny. Mixed emotions.

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon