Chapter 77 - How can I?

1K 18 1
                                    

Chapter 77 - How can I?

[Angeline's POV]

"She's in stable condition. We've checked her vital signs and she's fine but still unconcious. You just need to make her take her medicines."

"Okay. Thank you."

Lumabas ng ng room yung doktor. Umupo naman ako sa upuan sa tabi ng kama.

"Hay. Sumasakit na yung ulo ko dito kay Rein eh. Pero wala naman akong magagawa. Kailangan lang talaga natin siyang intindihin."

"She's getting worst and worst. Imbis na maging okay siya, lalo pang lumala." -Bea

JOHNNY! BUMALIK KA NA NGA DITO! NAKAKAINIS KA! TIGNAN MO NGA TONG SI REIN! KAYA MO BA TALAGANG MAKITA SIYANG GANYAN HA?!

Gusto ko nang isigaw yun. Sus. Wala namang mangyayari kahit gawin ko yun.

"Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Ito na yung kinakatakot ko. Yung mas lumala pa siya."

Sa tingin niyo dapat na ba namin siyang ipatingin sa psychiatrist? Hay.

"Bhessy!"

Dahan-dahan siyang dumilat.

"Ano nang nararamdaman mo?"

"Ugh."

"Hoy. Sobra na yan ah. Hindi ko na talaga ma-take yang ginagawa mo eh. Hinihintay mo ba na pagalitan pa kita? Rein naman. Maraming tao dito na nag-aalala din naman sayo! Isipin mo naman yun."

"Psh. Sa tingin mo ba may pakialam ako? Bhessy. Ano bang ginagawa ko dito?"

"Anong ginagawa mo dito? Ugh. In-overdose mo lang naman yung sarili mo! Kagagahan mo kasi eh!"

"Oh. Oo nga pala. Sinubukan ko lang naman kung, yung gamot na yun ba.. kapag ininom ko, magiging okay ako."

"Gaga ka talaga! Hindi yun gamot! Sleeping pills yun! Saka, oo nga, kapag uminom ka ng gamot, magiging okay ka pero sa kalagayan mo, walang gamot na makakagamot diyan kundi ikaw din! Ikaw lang yung makakagamot sa sarili mo Rein. Naiintindihan mo ba yun? Kaya pwede ba tigilan mo na nga yang kabaliwan mo!"

"Don't scold her like that." -Bea

"Naku. Kung ito lang naman yung paraan para matauhan siya, uulit-ulitin ko na araw-araw! Hoy Rein. Nakikinig ka ba?"

"Wala kong naririnig."

"SOFIA REIN BUENAVENTURA GINAGALIT MO NA TALAGA KO!! Kapag pinabayaan na kita diyan talagang hindi na kita papakialaman kahit kelan!"

"Then go!"

"HAAAY!!! BHESSY!!!"

Tumahimik lang siya at hindi na nagsalita.

Naiinis na talaga ko! Kung hindi ko lang bestfriend to baka binato ko na ng upuan eh!

Ang tigas ng ulo!!

"I'm sorry." Bigla niyang sabi.

"Sorry if I'm being a pain in the neck to all of you. Kung nagsasawa na kayo sa ginagawa kong to, pabayaan niya na ko. Wag niyo na kong pakialaman. Hayaan niyo na lang ako sa kung anong gusto kong gawin."

"Sa tingin mo ba gagawin namin yun? Bhessy~ pati ako nahihirapan na din sa ginagawa mo eh. Naman. Ayokong nakikita kang nagkakaganyan."

"Ano pa bang dapat kong gawin bhessy? Hindi ko na alam. Sawang-sawa na ko eh. Sawang-sawa na ko." Sabi niya na namumula na sa pagpigil ng luha.

"Tinatanong mo ko kung anong dapat mong gawin? Eh kanina ko pa nga sinasabi sayo eh. Pakawalan mo na si Johnny. Tanggapin mo na. Bumitaw ka na. Oh. Suot mo pa din pala yang singisng. Unahin mo yan. Hubarin mo na."

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon