Chapter 52 - Letting go of this foolish love
[Rein's POV]
[Now playing: Crying again by Moon Myung Jin] (Kahit hindi niyo maintindihan, madadama niyo yung kanta.Kung gusto niyong ulitin, ulitin niyo lang.)
Feeling ko, tumigil yung buong mundo. Wala na kong ibang nakikita kundi si Johnny. Biglang bumilis yung tibok na puso ko at parang nagslow motion lahat.
Anong ginagawa niya dito? :O
"J-Johnny?"
Umayos kami ng tayo. OMG.
"Uhh. Hi. Happy birthday Reindeer." Sabay ngiti at tinaas niya yung right arm kalevel ng chest.
Ako nanatiling nagtataka sa nangyayari.
Teka... could it be.. could it be.. NARINIG NIYA YUNG DRAMA KO?!
"A-anong... anong ginagawa mo dito?"
"Ayaw mo ba na nandito ako?"
"Hindi I mean... kasama mo si Agatha diba? Diba dapat--"
"Sshh. Kaya ko bang tiisin na hindi pumunta sa birthday mo?"
Napangiti ako pero inalis ko agad yung ngiti ko nang bigla kong maalala yung kasal. Yumuko na lang ako.
"Oh bakit?"
"I.. I have to go inside and--"
"Don't."
"Huh?"
"Kakarating ko lang iiwan mo ko dito? Is that the way you welcome your guests?"
"Bumalik ka na lang... kay Agatha." Naglakad na ko pero pinigilan niya ko. Aish. Ayoko siyang kausapin.
"Wait! Rein!"
Tinignan ko lang siya. Nakakainis. Ano nanaman ba? Sumuko na nga ako diba? Tapos makikita ko siya bigla? Paano kung hindi ko magawang iwan siya? Pinapahirapan niya ko.
"I'm really sorry."
"Wala kang kasalanan." Bumalik ako sa lamesa at uminom ng isa pang shot ng wine.
"Ayoko na Johnny. Sumuko na lang tayo."
"What?!"
"We can never change the way it has to be. We've nothing to do but to accept it. Matututunan mo din siyang mahalin. Magiging masaya ka rin sa kaniya." Again, umiiyak nanaman ako.
"Don't say such ridiculous things."
"Ayoko na. Pagod na ko." Uminom ulit ako. "Hanggang kelan Johnny? Hanggang kelan natin ipagpipilitan yung isang bagay na hindi naman dapat?" :(
"Listen, hindi ka pwedeng sumuko. I promise you, sa huli, ako pa din yung makakasama mo. Sasamahan pa din kita. Maniwala ka. Trust me. Please Rein. Please trust me."
He looks so sincere. I can see it in his eyes kahit na medyo malabo na yung paningin ko dahil sa tama ng alak.
"Should I? Can I? Should we? Can we? Johnny, alam mong mahirap."
"Wag Rein please. Wag mong gawin to."
Umiling lang ako. Ayoko na. Hindi ko na kayang magpanggap na okay ako sa lahat. Hindi ko na kayang umiyak. Hindi ko na kayang masaktan ulit. For the nth time.
"I'm sorry pero pagod na ko. I'm sorry."
Umalis na ko at lumipat ng lamesa. Doon ako uminom. Umiiyak lang ako. Oo tama. I've decided na sumuko na lang. Siguro mas makakahinga ko ng maluwag kung tatanggapin ko na lang yun.
BINABASA MO ANG
I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)
Teen FictionMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. "Are their hearts still beat as one?" This is the sequel of MR. HEARTHROB BROKE MY HEART (MHBMH Rein and Johnny) written by SooRinn. THIS IS MHBMH2. BASAHIN NIYO MUNA YUNG BOOK 1. :) I'm still in love wi...