EPILOGUE

1.6K 46 16
                                    

Hindi ko alam kung ano pang masasabi ko.

Basta, thankful ako sa inyong lahat. Hindi man umabot ng milyon ang reads ng story na to, masaya pa din ako kasi marami naman ang nagustuhan to.

Kaya, MARAMING-MARAMING SALAMAT! Maraming salamat sa mga nagcocomment, nagvovote at kahit tahimik kayo, alam kong nagrereact kayo sa mga utak niyo. XD

I hope suportahan niyo din yung sunod kong story. Sa May 30 po ang prologue at June 1 ang Chapter 1 ng MALING AKALA.

PANOODIN NIYO PO YUNG VIDEO SA GILID. :)

Again, Thank you!

Love, SooRin

______________________________________________

I'M STILL IN LOVE WITH THE PERSON WHO BROKE MY HEART

EPILOGUE

Dito na nga natapos ang kwento naming dalawa.

Would you do the same kung ikaw yung nasa sitwasyon ko?

Ipaglalaban mo din ba?

Isang simpleng babaeng nagkagusto sa isang ultimate heartthrob.

Umasa, nagpakatanga, nasaktan, umiyak pero natuto.

Nagsimula ang kwento naming dalawa noong lumipat ako ng school.

First year highschool. Naaalala ko pa kung gaano kapatay na patay sa kaniya yung mga babae dun eh. Nakakainis talaga sila. -__-

Pero ang supladong si Daniel Johnny Fernandez, unti-unti kong nakilala.

Unti-unti, nakapasok din ako sa mundong ginagalawan niya.

Ang akala ko noon, hindi ko kayang maabot ang isang kagaya niya. Pero pinatunayan niya sakin, na lahat pala, posible kung may perseverance kang gawin yun.

Nagpakatanga ko. Nagalit ako sa kaniya. Umalis ako, tapos pagbalik ko, ang dami nang nagbago.

Dumating si Agatha na naging pinakamalaking hadlang sa istorya naming dalawa.

Pero isa naman siya sa mga taong sumubok kung gaano kami katatag.

Isa siya sa mga sumubok kung gaano kalakas yung pagmamahalan naming dalawa ni Johnny.

Tapos naaksidente pa si Johnny, nacomatose siya pero luckily, nakaligtas siya.

Then, may nangyari nanaman na halos magpasuko na talaga sakin ng tuluyan.

Nawala siya sakin. Ang akala ko talaga, never ko na talaga siyang makikita at hindi na matutpad yung happy ever after na pangarap ko nang siya yung kasama.

Pero mabait talaga si Lord dahil nakagawa pa din ng paraan, para magkasama ulit kami.

Sobrang daming lessons ang natutunan ko sa journey kong 'yon.

Maraming tao ang nagturo sakin kung paano magmahal ng totoo.

May mga times na talagang nawalan na ko ng pag-asa para sa aming dalawa. May mga oras na talagang susuko na dapat ako.

Pero buti na lang pala hindi ko ginawa yun no?

Kung sumuko pala ako agad, eh di sana walang happy ending.

Ang galing talaga ni Lord. He thought me how to love myself and to treasure everything I have.

At syempre, thankful talaga ko dahil binigay niya sakin si Johnny. Sa dinami-dami ba naman ng tao sa mundo, siya pa talaga yung nakilala ko diba?

Ako, sigurado ako na may Johnny din na dadating sa buhay niyo.

Lahat tayo may nakalaang prince charming. Hindi mo pa siguro siya nakikilala ngayon, pero makikilala mo din siya someday at papatunayan niya, na ang kagaya mo ay karapatdapat ding maging masaya at mahalin.

Maging inspiration sana yung story namin ni Johnny para sa mga taong naiisipan nang sumuko sa isang bagay na gusto niya dahil lang nahihirapan na siya.

Basta ang laging niyong tatandaan, masaktan ka man, at least meron kang natutunan na mas nagpatatag sayo. At sa future na maulit man 'yon, alam mo na kung anong gagawin mo.

Pahalagahan mo kung ano yung mga bagay na meron ka ngayon, kasi, baka kapag nawala yan, pagsisihan mo.

Sigurado akong pagsisisihan mo talaga yon no.

Tinuruan din ako ng istorya kong to, na maniwala sa FATE.

Tignan niyo naman diba? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin, kami pa din yung nagkatuluyan.

Yun ang FATE.

At si Johnny ang nagpatunay sakin, na totoo nga ang FATE. <3

Ngayon, gusto ko namang mapatunayan namin sa isa't-isa, na totoo nga ang FOREVER.

Gagawin namin 'yon ng magkasama. :">

Ngayon naman, magkasama naming lalakbayin ang panibagong chapter sa buhay namin.

FOREVER is a long time, but I don't mind spending it by HIS side. <3

Kahit na sinaktan at pinaiyak niya ko noon, masasabi ko pa ding...

I'M STILL IN LOVE, WITH THE PERSON WHO BROKE MY HEART.

**

THANK YOU SO MUCH!

MALING AKALA: https://www.wattpad.com/myworks/8381785-maling-akala

🎉 Tapos mo nang basahin ang I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing) 🎉
I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon