Chapter 80 - It only reminds me of you

1.1K 12 2
                                    

Chapter 80 - It only reminds me of you

[Rein's POV]

"Kurt.. sigurado ka ba sa ginagawa mong to?"

"Oo. Siguradong-sigurado."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kaya ko na ba? Deserving naman talaga si Kurt eh. Pero.. kasi.. hindi ko alam kung kaya ko na ba.

Saka, hindi ba pinangako ko kay Johnny na siya lang yung mamahalin ko? Hay. Ano bang gagawin ko? :|

"Tanggapin mo na yan. Wag kang mag-alala, hindi naman kita mamadaliin eh. Maghihintay ako. Pangako."

"Kurt.. pano kung.. hindi ko magawang suotin to?"

"Eh di.. tatanggapin ko. tatanggapin ko kung ano mang magiging desisyon mo."

Ngumiti siya at sabay sabing. "Cheers. Let's just enjoy the night."

"Hm. Cheers."

Nagkwentuhan at nagtawanan kami buong gabi. Ganun pa din, walang nagbago kahit pa umamin siya sakin ngayong gabi. Parang normal pa din naman.

Bago matulog, nakatingin ako sa promise ring habang hinahawakan ko.

Kaya ko ba? Kaya ko na ba? Hindi ko kayang saktan si Kurt. Panahon na nga ba? Johnny, ano bang dapat kong gawin? :(

Dapat na nga ba kitang isuko ngayon?

Nakabukas din yung maliit na box at tinitignan ko din yung singsing na bigay ni Kurt. Kinuha ko yun at tinignan.

Kahit kailan hindi ko naimagine na ganito. Na wala si Johnny at may ibang lalaking dadating dahil ang naimagine ko lang is yung forever namin.

Si Kurt kaya yung magpapatunay sakin na forever is not just a word?

Kinabukasan, yun pa din yung iniisip ko kahit nakabalik na ulit kami sa city.

"Huy. Anong iniisip mo diyan ha? Kanina ka pa nakatulala." -Angeline

"Huh?"

"Ay ewan ko sayo. Nagsisimula ka nanaman ba?"

"Nagugutom ako."

"Goodmorning!" Dumating si Bea. "Coffee?"

"Thanks. :)"

"Oo nga pala Sofia. Isang buwan na lang, death anniversary na ni Johnny. Uuwi ka ba ng PIlipinas?"

Napatingin ako sa kaniya. Napatingin din silang dalawa sakin. Hindi ako nakasagot agad. Siguro mga 5 seconds pa.

"Oo naman. Pwede ba namang hindi ako umuwi nun? Baka magalit siya sakin kapag hindi ako bumalik ng Pilipinas."

"Good. You look fine naman na." -Bea

"First death anniversary niya. Second anniversary naman namin yun. Nakakalungkot isipin."

"Oh! Bawal umiyak!" -Angeline

"Naku Sofia. Kapag bumalik ka ng Manila, sigurado akong marami nanamang magfa-flashback sayo at sigurado ako na iiyak ka nanaman." -Bea

"Hindi naman yun mapipigilan diba?"

"I know. Eh kamusta naman na kaya sina Tita Jenny ngayon dun? Okay na kaya sila?" -Angeline

*RING*

*Ate Jam calling...*

"Speaking of tita Jenny. Oh. Tumatawag si Ate Jam. Excuse me." Lumayo muna ko bago sinagot.

"Hello ate. Bakit napatawag ka yata bigla?"

"Wala. Gusto lang kitang kamustahin. So, how are you sis?"

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon