Chapter 68 - Acceptance and forgiveness

1.3K 20 0
                                    

Chapter 68 - Acceptance and forgiveness

[Rein's POV]

11pm na. Nandito pa din si Johnny sa bahay. Eh kasi naman, hindi pa din nila alam kung nasaan si Agatha.

Pati kami, tumutulong na para malaman kung nasaan siya.

Sinubukan ko na ding tawagan pero walang sumasagot.

"Ano? May balita na ba kung nasan siya?" Tanong ko kay Johnny.

"Wala pa."

"Hindi mo ba alam kung saan siya pwedeng pumunta? Saan ba siya madalas magpunta?"

"Hindi ko din alam eh."

"Aish."

Sinubukan ulit niyang tawagan si Agatha.

"Hello? Agatha? Agatha?"

O__O

Sumagot na ba siya?

**

Sumakay kami ni Johnny sa sasakyan niya at nagdrive papunta sa lugar kung nasaan ngayon si Agatha. Sinabi kasi niya kay Johnny yun nung nakausap niya sa cellphone.

"Bakit naman ngayon lang niya sinagot yung mga tawag?"

"Mukhang lasing siya."

Nakarating kami sa bar kung nasaan siya. Hinanap namin siya agad pero hindi naman namin makita. Di kaya niloloko lang kami nun? Psh.

Umakyat na muna ko sa rooftop.

*Sniff sniff*

Ano yun? Parang may humihikbi. Nakakatakot ah!

Hinanap ko kung saan nanggagaling yung umiiyak.

*Sniff*

O________O

"Agatha?"

Lumingon siya sakin na pulang-pula kakaiyak. Nakasilip siya sa veranda.

"Sofia." Sabi niya sabay punas ng luha. Nilapitan ko naman siya.

"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang buong araw ka na nilang hinahanap ha? Brat. Dahil ba ngayon dapat yung kasal niyo ni Johnny kaya ka nagkakaganyan ha? Baliw ka talaga. Sa tingin mo ba kapag umiyak ka papakasalan ka niya?"

"Yeah right. You? Why did you dare to search for me too?"

"Wag ka na ngang magtanong diyan! Pasalamat ka nga eh. Tara na! Sumama ka na sakin bago pa magpadala ng isang libong batalyon ng mga pulis ang nanay at tatay mo para hanapin ka."

Tumalikod na ko pero nagsalita pa siya.

"I surrender."

O___O Ano daw?

"Ayoko na. Siguro nga, dapat tanggapin ko na lang na hindi ako kayang mahalin ni Johnny."

Tumingin ulit ako sa kaniya.

"Ano?"

"Sofia. Maybe, we're really not meant to be. Siguro nga, I was being delusional about everything. Tama ka. Hindi ko siya kayang piliting pakasalan ako o mahalin ako dahil fixed marriage lang naman yun."

Seryoso ba to? Sinasabi niya ba talaga to?

"Hoy. Tumigil ka na nga. Hindi mo ko mauuto. Sinasabi mo lang yan dahil lasing ka. Tara na."

"I'm being serious! Bakit ba ayaw mo pang maniwala? I'm setting him free! You can have him now!"

"Ugh. Agatha? For.. for real?"

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon