Chapter 36 - Regrets
[Johnny's POV]
I rushed to the hospital. Nag-aalala ko kay Agatha. Sakitin kasi talaga siya. Simpleng lagnat lang, nakakatakot kapag sa kaniya dumapo. Mahina kasi yung immune system niya.
Pero teka. Tama bang iniwan ko si Rein ng ganun? Pano kung ma-misunderstand nanaman niya? Di bale. I'll explain it to her next time.
Pagdating ko sa ospital, hinanap ko agad yung room ni Agatha.
"Tita."
"Johnny! You're finally here."
"How is she?"
"She's not that fine. Mataas pa din yung lagnat niya."
"Magiging okay din po siya. Oh here. I bought her some flowers and fruits on my way here."
"Thank you. Ilagay mo na lang dun sa table."
Tulog si Agatha. Madalas kasi siyang magkasakit eh. Naging close kami kaya mahalaga na din siya sakin. Kaya nag-aalala ko sa kaniya tuwing nagkakasakit siya.
"Hijo. She's so lucky to have you. I really trust you so much. Sayo lang naging masaya si Agatha. Kahit arranged lang kayong dalawa, nakikita ko naman na nagwo-work yung relationship niyo. I can't wait to see her in her wedding gown someday."
Kapag hiniwalayan ko si Agatha, maraming masasaktan. Hindi lang siya. Pati si Tita Trina, Tito Geoff, Si Mama at si Tita Jane para sa BFHRC.
Kapag naman iniwan ko si Rein, hindi ko kakayaning makita siyang umiyak ulit. Masasaktan ko din nun si Tita Jane, Ate Jam pati yung mga kaibigan namin maaapektuhan.
Mas lalo ko namang hindi kayang mangyari yun.
Alam niyo, sobrang nahihirapan na talaga ko sa sitwasyong to eh.
"I'm going out. Bibili lang ako ng makakain natin. Look after her."
"Yes TIta."
Umupo ako dun sa upuan sa tabi ng kama. Tinignan ko lang si Agatha tapos hinawakan ko siya sa kamay.
Ang amo-amo ng mukha niya. Yung mabait na Agatha na kilala ko, nag-iba mula nung nagkakilala sila ni Rein.
Pano kaya kung ako na lang yung mawala? Siguro matatahimik lahat pag nangyari yun.
Maya-maya dahan-dahang dumilat si Agatha.
"Finally, you're awake. Are you okay?"
"Johnny. Hm. I'm fine."
"Sabi ni Tita nag-collapse ka daw. Ano ba kasing ginawa mo? Pinag-alala mo ko."
BINABASA MO ANG
I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)
Teen FictionMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. "Are their hearts still beat as one?" This is the sequel of MR. HEARTHROB BROKE MY HEART (MHBMH Rein and Johnny) written by SooRinn. THIS IS MHBMH2. BASAHIN NIYO MUNA YUNG BOOK 1. :) I'm still in love wi...