Chapter 83 - I know it's him

1.1K 16 6
                                    

Chapter 83 - I know it's him

[Rein's POV]

[Now playing: I miss you by Kyla]

Malayo mula sakin pero kitang kita ko siya.

Kilalang-kilala ko siya at sigurado ako na siya yun.

Yung ngiti niya. Yung mata niya. Yung ilong niya. Yung hugis ng mukha at yung kutis.

Hindi ako pwedeng magkamali.

"Johnny."

Ohmygod. Si Jonny! Sigurado akong si Johnny yun!

"Johnny?"

Hindi talaga ko pwedeng magkamali! At lalong alam ko na hindi ako nananaginip sa mga oras na to! At hindi din to imagination lang! Dahil nakikita ko talaga siya!

Masaya siyang nakikipag-usap sa iba pang mga businessmen.

Maniwala kayo sakin. Si Johnny talaga to!

Naglakad ako papalapit pero naglakad naman siya palayo kaya tumakbo na ko maabutan ko lang siya.

"Sorry. Excuse me. Excuse me."

Oo alam kong imposible pero kung imposible bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?

"Johnny!"

Hindi niya yata ako naririnig!

"Excuse me."

Kailangan ko siyang maabutan. Kailangan niya kong makita. Kailangan kong malaman kung siya ba talaga tong nakikita ko.

"Johnny!!"

"Hoy bhessy! Ano bang ginagawa mo? Kanina pa kita hinahanap!"

Nasan na? Nasan na siya?

"Hoy! Anong nangyayari sayo?" Tumingin ako sa kaniya.

"Si Johnny."

"Ano?!"

"Nandito si Johnny."

"HA?! Aish. Tara nga!"

Hinila niya ko palabas ng function room.

"Ano nanaman bang nangyayari sayo? Nag-uumpisa ka nanaman eh! Umayos ka nga Rein. Ikaw na mismo yung nagsabi na big event to. Hindi ka dapat gumawa ng eksena dito!"

"Pero maniwala ka sakin bhessy! Nakita ko talaga siya! Nakita ko si Johnny!!"  Umiiyak nanaman tuloy ako.

"BHESSY! Tumigil ka na! Please tama na! Pinapahirapan mo nanaman yung sarili mo eh! Wala si Johnny dito okay? Baka naman namalikmata ka lang."

"Hindi. Hindi. Sigurado ako. :|"

"Rein. Ano baaa?"

"Maniwala ka sakin Angeline maniwala ka! Maniwala ka naman sakin! Nakita ko nga kasi siya eh. Siya talaga yun!"

"Pano ka naman nakasiguro na si Johnny nga yun? Nalapitan mo ba? Nakausap mo? Hindi naman diba? Tama na."

"Bhessy! Listen! Believe me! I saw him! Nakita ng dalawang mata ko si Johnny! Si Johnny! Si Johnny yun!"

Hinawakan niya ko sa dalawang balikat tapos inayos niya yung buhok ko.

"Hindi. Hindi yun si Johnny okay? Tumigil ka na. Kapag may nakakita sayo na ganyan ka aakalain pa nilang baliw ka."

"Bakit ba ayaw mong maniwala sakin? Nakita ko nga sabi si Johnny eh!"

"Hay. Tara na. I think we need to go now."

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon