Chapter 90 - Love will lead you back

930 24 2
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kasi malapit na tong matapos. Hay. Hahahaha. Anyways, thank you sa lahat. :*

Here's chapter 90 for you guys. Enjoy! :)

_________________________________________________________

Chapter 90 - Love will lead you back

[Rein's POV]

Nandito pa din kami sa park pero wala namang nagsasalita.

"Ah!" Kinuha ko yung hairpin na bigay niya na nasa bag ko lang. "Tignan mo."

"Oh. Mukhang bagay yan sayo ah."

Nilagay ko yung hairclip sa buhok ko.

"Bagay ba?"

"Hm. :)"

"May naaalala ka ba dito?"

"Saan? Sa clip na yan?"

"Hm."

"Uhh." Nag-isip pa siya. "Wala. Bakit?"

Umiling na lang ako.

"Ehh.. May ipapakita ako sayo." Kinuha ko naman yung phone ko at pinanood sa kaniya yung video message namin ni Johnny.

"Ayan. Panoodin mo."

Pinapanood niya ng maigi yung video. May mga times na napapangiti siya. Minsan naman kukunot yung noo niya na parang may iniiisip. May naalala kaya siya?

"Wow. Ang sweet niyo naman. Parang ako talaga yung nagsasalita." IKAW NAMAN KASI TALAGA YUN. -___-

"Wala ka pa din bang naiisip na ganung eksena na nangyari sayo dati?"

"Diba sinabi ko naman na hindi naman ako nagka-amnesia?"

"Sigurado ka?"

"Oo." WEH.

Hindi na lang ako nagreact. Bakit ba ayaw mo pang sabihin? :(

"Sorry ah. Ginugulo na ba kita?"

"Hindi hindi. Wala yun sakin."

"Sigurado ka na ba talaga?"

"Saan?"

"Na pakakasalan mo si Agatha."

"Oo naman."

"Pano kapag.. nalaman mo na niloloko ka lang niya? Iiwan mo ba siya?"

"Hindi naman siguro niya gagawiin yun."

"Ugh." AKALA MO LANG.

Ilang linggo na din ang lumipas. Malapit na silang ikasal. Hay.

"Oh ano nanaman? Nakabusangot ka nanaman. Kung nagsasalita lang yang mga papel na nasa harap mo, sinermonan ka na." -Bhessy

"Uuuugggghhhh!!! :(" Sinubsob ko yung mukha ko sa lamesa.

"Hoy hoy hoy! Anong nangyayari sayo?"

"Hindi ko na alam kung anong gagawin koooooo~!"

"Tumigil ka na nga diyan. Para kang timang."

Inangat ko na ulit yung ulo ko at binato ko siya ng lapis.

"Aray!"

"Hooooy. Ano bang gagawin ko?"

"Anong gagawin mo? Ayan! Ayang mga files na yan kailangan mo pang tapusin yan!"

"Psh."

"Kasi naman, sabihin mo na sa kaniya! Go!"

"Yun na nga yung iniiisip ko eh! Sasabihin ko na sa kaniya pero hindi ko alam kung pano!"

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon