Chapter 51 - Sofia @ 19

2.2K 30 1
                                    

A/N:

LONGEST CHAPTER SO FAR. Hahahaha.

Sana naman magcomment at magvote kayo sa chapter na to ha? Ito yung bawi sa maiiksing chapters! madamaing nangyari sa chapter na to. Dapat pang two chapters to pero pinag-isa ko na. <3

Dedicated sa favorite kong author!! ;))) Hi Ate Jade! Sana nakikita mo to. ;)

____________________________________________

Chapter 51 - Sofia @ 19

Dedicated to GirlInLove :">

[Rein's POV]

Tumibok nanaman ng mabilis yung puso ko. May pumatak pa ding luha galing sa mga mata ko.

Nararamdaman ko na yung lamig. basang-basa na kami sa ulan.

After 2 minutes, bumitaw siya and he looked me in my eyes.

"I'm sorry. Please naman, maniwala ka sakin."

Umiling lang ako tapos tumakbo na ko palayo. Galit pa din ako. Naiinis pa din ako!!

Hindi ako makatulog kakaisip sa nangyari. Umiiyak pa din ako. Yung mga salitang "Hindi ko siya maiwan." Pauli-ulit na umiikot sa utak ko. Lalo lang akong nasasaktan.

Oo, siguro nga nago-overthink nanaman ako. Bakit? May mali ba sa ino-overthink ko?

Akala ko naman magiging okay kami. Hindi pa din pala. Lalo lang lumala. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba to. Hindi ko talaga alam.

***

"Buhay pa ba to?"

"Kumukurap ba?"

"Humihinga pa ba?"

"Hala! Natuluyan na yata!"

"Sofia?"

"Rein? Naririnig mo ba kami?"

Aish. Wala ako sa mood na makipagtalo sa mga baliw kong kaibigan.

"Last subject na nakatulala ka pa din diyan. Anong balak mo ha?" -Bhessy

"Buti na lang puro discussions at walang quizzes. Kung hindi, lagot to. Tsk tsk. Bakla." -Niks

"Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos?" -Macey

"Obvious ba Macey ha?" -Niks

"Ano nanaman bang nangyari ha? Susugudin ko na talaga yang si Johnny eh!" -Bhessy

"Magsalita ka nga diyan." -Jas

Hay. Nakakainis. Parang nawalan na din yata ako ng boses kasi kahit pagsasalita, hindi ko magawa sa sobrang sama ng mood ko. 

Natapos din yung last subject nang hindi ko namamalayan, lumabas na yung iba naming classmates pero ako, nandito pa din. Kinukulit ng barkada.

"Hay! Tama na nga yang pagdadrama mo!" -Niks

Magkakawrinkles ka niyan! Kanina ka pa nakasimangot." -Bea

Tumayo ako at naglakad palabas ng room. Sinundan naman nila ko. Aish. Hindi talaga sila nagpapatinag! Hinihila-hila pa nila yung uniform ko. -___-

"Reeein! Magsalita ka naman! Lalo kaming nag-alala kapag tahimik ka eh! " -Angeline

"Hay! What should I do to you? Psh." -Bea

"Aish! Ayun siya! HOY JOHNNY!" -Macey

O________________O

Lalakad sana ko palayo pero hindi ako pinakawalan ni Niks at Jas!

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon