Chapter 75 - Living without you

1.2K 19 4
                                    

Chapter 75 - Living without you

[Rein's POV]

"Johnny? Johnny. JOHNNY!"

O_____O

Ugh.

Panaginip nanaman. Gabi-gabi ko na lang siyang napapanaginipan.

:(

Umupo ako sa kama at naipahid ko yung dalawa kong palad sa mukha ko. Pinalo-palo ko pa yung pisngi ko.

"Haaay. Rein. Tumigil ka na. Please. Tama na. Wag mo nang pahirapan yung sarili mo okay? Kaya mo yan. Kaya mo yan."

Inhale.

Exhale.

Dalawang linggo na din ang nakaraan mula nung nawala si Johnny. Pero parang kahapon lang nangyari., Sariwa pa din lahat. Sariwa pa din yung sugat.

Pinipilit kong bumangon ulit at mabuhay tulad ng kung paano ako dati. Pero hindi ko na talaga kaya eh.

Nasira na. Nawala na.

Hindi pa din ako pumapasok sa BFHRC. Hindi ko talaga kaya. :(

"Oh bhessy. Kamusta ka na ba ha? Okay ka na?"

"Kahit kelan, hindi na ko magiging okay."

"Pero subukan mo pa din. Hindi naman pwedeng ganyan ka na forever eh. Moving on doesn't mean you forget about things. It just means you have to accept what happened and continue living."

"Hindi ko alam kung kaya ko ba. Wala ka naman sa pwesto ko kaya hindi mo talaga mararamdaman kung ano yung nararamdaman ko."

"Alam naman namin yun eh." -Niks

"Pero wala na yung happy ending ko. Hanggang dito na lang ako. Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko, sa ganito din pala mapupunta lahat. Iniwan niya din ako."

"Sofia, maybe a happy ending doesn't include a guy. Maybe it's you, on your own who would pick up the pieces and start over again. You should free you self up for something better in the future." -Bea

"Yeah. Tama. Nandito pa naman kaming mga kabigan mo eh. Nandiyan pa yung pamilya mo. Kaya wag mong isipin na mag-isa ka na lang."

"Pero nung nawala si Johnny, buong mundo ko nawala. I lost everything."

"Ano na bang balak mong gawin ngayon?" -Bhessy

"Hindi ko kaya dito eh. Hindi ko kayang mag-stay dito. Lalo lang akong mahihirapang mag-move on. Babalik na ko ng Canada."

"ANO?!" Sabay-sabay nilang sigaw.

"Akala ko ba gusto niyo na magmove on na ko? Sa tingin niyo ba magagawa ko yun kung nandito ako sa Pilipinas? Promise. Magiging okay lang ako dun. Ipapa-set ko na agad yung flight ko para makaalis na ko."

"Sasama ko!" -Angeline

"Ha?"

"Okay lang naman. Diba Dennis? Okay lang sayo? Okay lang sayo na pumunta tayo ng Canada? Na samahan natin si Rein? Huh?"

"O-oo. Okay lang." -Dennis

"Oh diba? Sige na. Sasama kami."

"Ako din! Of course kailangan kong pumunta ng Canada." -Bea

"Guys. Hindi niyo na ko kailangang samahan. Hindi niyo na ko kailangang bantayan."

"Hindi! Basta sasama kami sayo! Wag ka nang makulit diyan!"

"Pero.. Makakaabala pa ko sa inyo."

"Wag mo nang isipin yun. Basta sasama kami! Sasama kami. Period."

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon