Chapter 55 - We will stay strong

1.7K 26 1
                                    

Chapter 55 - We will stay strong

[Rein's POV]

"Ano Sofia? Ready ka na?" Tanong ni bhessy.

"Hm."

Natapos na yung 2nd sem.  4th year college students na kami sa pasukan. Bilis no? April na. Papunta kami ngayon sa Watty palace para sa reunion ng highschool batch namin noong high school.

"Excited na kong makita ulit sila! Magiging masaya to for sure! Ang daming memories from the past ang mauungkat! Hihihi." -Bhessy

"Oh ayan na. We're here na pala. Leggo."

Pumasok na kami. Ang ganda ng pagkakaayos ah. Lumapit agad samin yung barkada na nauna na saming dumating.

"Beks! Ang pretty pretty mo talaga! Tara na, nandun yung iba." -Niks

Lumibot kami at nakita na din namin yung iba. Nagmature na nga yung iba at hindi ko na makilala. Cinongratulate ako nung iba sa career ko. Pinagkwento pa nila ko at kung ano-ano pa.

"ALDEN!" O__O

Biglang sumigaw si Niks.

Ohh. Ang gwapong si Alden. Lalo siyang gumwapo. Naging crush ko yan! Remeber AnonyMous26? Hihihi.

"Rein!"

"Oh. Kamusta?"

"Ayos naman. Ang tagal na din nung huli tayong nagkita."

"Oo nga. Buti naman nagkareunion tayo. Na-miss ko din kayong lahat. :)"

"Kanina ka pa ba?" Uy. Si Johnny.

"Hindi. Kakarating-rating ko lang."

Bumati naman si Johnny at Alden sa isa't-isa.

Magkasama kami ngayon ni Johnny na kumukuha ng drinks.

"Tignan mo, tatlong taon ding hindi nagsama-sama tong batch natin. Nakakatuwa." Sabi niya.

"Oo nga eh. Ang dami nang nagbago no?"

"Hi guys! How are you?"

Biglang dumating si... Alexa.

Si Alexa na ex-girlfriend na Johnny. Ang pinaka-hate ko sa lahat ng ex's niya. Yung sumira ng hairclip na bigay ni Johnny at yung.. pinagselosan ko talaga noon ng sobra dahil bagay sila ni Johnny at mukhang napatino  niya si Johnny. Haaay. past. :)

"We're doing fine. :)" -Johnny

"Hanggang ngayon pala, magkasama pa din kayo ah? Woah, Rein. I missed you! Sikat ka na talaga."

"Thank you. :)"

"Kamusta naman kayo? Looks like your relationship is going well huh." Biglang dumating si Carl.

"Uhh. Hi Carl."

"Hi! Ang saya ngreunion na to diba? Nag-eenjoy ba kayo?"

"Oo naman." -Johnny

"Wait. Are the two of you dating? Hindi ba fiancee mo si Agatha San Gabriel? Huh Johnny?" Biglang singit ni Jeff

Napakamot na lang ako sa batok at nagclear ng throat. Aish.

"Uhh. Oo nga."

"So ibig sabihin hindi pa din kayo?! Ano ba naman kayo?! Ang dami niyo nang panahong sinayang ah!" Si Queenie.

"Eh paano nga magiging kami, eh arranged-- I mean, fiancee niya si Agatha. Duh?"

"Alam niyo kayong dalawa, daig niyo pa ang mga bida sa teleserye sa kadramahan ng buhay niyo eh." -Mike

I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon