Chapter 53 - Operation: Ruin the wedding
[Rein's POV]
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school nang biglang may kumurot sa bewang ko.
"AW--NIKS!!!"
"Ano? Kamusta ang pagpapakamartyr ha?! HA?!"
"Psh. Tigilan mo nga ko!"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi maganda yung mood ko dahil sa panaginip ko!
"Ah!-- O____O"
Dahil dire-diretso ako sa paglakad, nabangga ko pa si Johnny. -__-
Natataranta kong tumingin sa relo ko. Naku ano bang nangyayari sakin?!
"Uhh. Baka ma-late ako! Tara na Niks!"
Naglakad na agad ako palayo. Psh. Oo. Kaklase ko siya kaya ang weird na sinabi kong malelate na ko. Eh siya hindi? Ang tanga mo Rein!
Habang nagkaklase, nakayuko lang ako sa desk ko pero nakatingin sa kaliwa habang nagdo-drawing ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko.
"Sofia."
Ano na kayang gagawin ko? Hmm. Dapat makagraduate ako sa SU. Pagkatapos nun, babalik ako sa Canada.
"Sofia!"
Dapat ngumiti lang ako para hindi na ko masyadong ma-stress. Haaaay. Sana kapag pumikit ako, pagdilat ko, babalik na lang kami sa dati.
"SOFIA!"
"AY SOFIA! O___O M-Ma'am."
Napaayos ako bigla ng upo nang sumigaw si Ms. Mateo at hampasin ng libro yung lamesa ko.
"Bawal matulog sa klase ko!"
"Hindi naman po ako natutulog!"
"Eh anong ginagawa mo?"
"I'm... I'm just.. Uhh."
"See? Answer my question. This is a firm where its line of business is furniture making."
"Manufacturing."
Mukhang nagulat si Ms. Mateo dahil nakasagot ako. Psh. Syempre alam ko yan!
"Which department prepares the survey form for the new product to assess its feasibility in a particular place considering the economic class of the respondents?"
"Marketing department."
Lahat ng classmates ko napa- 'woah' at nakatingin sakin. Sina Niks naman ngumingiti ngiti. Si Johnny, nakatingin lang sa bintana. Si Agatha, nakatingin sakin na napapanganga pa. Tss. Nakakairita.
"Fine. You're good."
Bumalik na si Ms. Mateo sa harap at nagstart na magdiscuss ulit.
Vacant kami ng one hour. Pumunta muna ko sa field para magpahangin. Lamig~
"Bakit mag-isa ka dito?" Lumapit si Kurt sakin at umupo sa tabi ko sabay inom ng soda.
"Wala lang. Gusto ko lang mapag-isa."
"So, dapat bang umalis na din ako?"
"Naku hindi! Hindi ko naman sinabing iwan mo ko dito. Ayos lang."
"Ano nanaman bang ginawa mo? I heard that you agreed to be the maid of honor for their wedding."
"Hm."
"Baliw ka talaga. Why on earth did you do that? Masochist ka ba?"
"Siguro nga masochist ako. Pinapahirapan ko yung sarili ko. But, don't you think this will be better for me and for Johnny? Nah. Not only for us but also for everyone."
BINABASA MO ANG
I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)
Teen FictionMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. "Are their hearts still beat as one?" This is the sequel of MR. HEARTHROB BROKE MY HEART (MHBMH Rein and Johnny) written by SooRinn. THIS IS MHBMH2. BASAHIN NIYO MUNA YUNG BOOK 1. :) I'm still in love wi...