Chapter 54 - Sweeter than fiction
[Rein's POV]
♫ There you'll stand, ten feet tall. I will say, "I knew it all along" Your eyes, wider than distance. This life is sweeter than fiction~ ♫
"Akin na nga yung chips!!" Sigaw ni Macey.
Nasa karaoke bar kami ngayon. Wala lang. Tagal na kasi naming hindi nagbobonding nang ganito eh. Kumpleto ulit kami.
"Hoy bhessy. Ang tagal naming hindi nakita yang ngiti mong yan ah. Buti naman bumalik na ulit." -Angeline
"Oo nga. Akala ko hindi na ulit ako ngingiti nang ganito. Sana hindi lang to temporary no?"
"Ayan ka nanaman eh! Inuunahan mo nanaman! Hayaan mo lang kung anong meron ngayon. Wag mong masyadong isipin yung future. Enjoy!"
"You're right. Cheers!"
"Cheers! *uminom* I think celebration na din to ng pagkakayos niyo ni Johnny."
"Siguro? Haha."
"It's almost two weeks nung nagkabati kayo. Natutuwa talaga kami na nakikita ka na ulit namin na nakangiti nang ganyan."
Oo. Ang bilis ng panahon dahil February na. Malapit na ulit magvalentine's day. Ano kayang mangyayari sa Valentine's ko ngayon? Kung wala lang sana si Agatha eh di mas masaya diba?
"Gusto ko nang maging masaya and be with Johnny forever and--"
"And you will live happily ever after? Hay. Ang bestfriend ko, inlove nanaman."
"Bhessy!"
"Yan lang naman ang hinihintay naming mga kaibigan mo eh. Ang sumaya ka ulit. Lagi ka na lang kasing umiiyak."
"I will end it here."
"Huh?"
"I will get rid of Agatha. Lalo na ngayon na nagkaron na ko ng inspiration to be stronger. Hindi na ko susuko."
"Yan ang fighting spirit!"
Bigla namang lumapit si Dennis.
"Angeline. Tikman mo to. Aah~"
"Ano yan?"
"Masarap yan. Aah~"
"Ahh~"
"Oh ano?"
"Hm!" Sabay thumbs up.
"Sabi sayo eh!"
"Ayan nanaman kayo eh! Nang-aasar ba talaga kayo?"
"Don't worry bhessy. Malapit na din happy ending mo!"
"Oo nga. Kilala ko yang si Johnny. Badboy pero nagbago. Tinatawanan pa nga namin yan dati eh." -Dennis
"Alam mo bang ilang beses nang pinaiyak ni Johnny 'tong si bhessy?! Pero infairness, effective ang pagpapakamartyr. By the way bhessy. Ano nang nangyari dun sa operation: ruin the wedding?"
"Wala pa. Yung mga invitations ipapamigay na bukas. Mahirap kasing guluhin yun eh. Wala akong nagawa dun."
"Hayaan mo na. Nandiyan si Ate Jam kaya panigurado, successful yang plano niyo."
"HOY BEKS! LIKA DITO! KUMANTA KA NGA!"
"Ayoko!"
"BILIS NA!!"
Kahit naka-mic na siya, sumisigaw pa din! Nakakaloka! Hinihila-hila pa niya ko.
"NICHOLAS! Bitaw nga! Mamaya na!"
![](https://img.wattpad.com/cover/4350954-288-k103481.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm still in love with the person who broke my heart (Under Editing)
Genç KurguMHBMH Book 1 and 2 are under editing process. "Are their hearts still beat as one?" This is the sequel of MR. HEARTHROB BROKE MY HEART (MHBMH Rein and Johnny) written by SooRinn. THIS IS MHBMH2. BASAHIN NIYO MUNA YUNG BOOK 1. :) I'm still in love wi...