Sa pagbabasa ko sa lahat ng mga sulat ni Unknown Guy. Ni isa wala akong sinunod sakanya.
Eh ano bang pakielam nya?! Isa lang naman syang lalake na walang magawa sa buhay, at ako ang naisipang pag-tripan nya.
Sorry, pero hindi ko talaga kayang makapag-move on. Sinubukan ko, pero hindi ko pa rin kayang kalimutan sya. Mahal ko pa rin talaga sya.
"O! Mei, bakit bihis na bihis ka? Sa'n punta mo?" Napatigil ako sa pag-li-lipstick, at nilingon si Mama.
"Huh? Ahh punta lang ako sa bahay ng kaklase ko."
"Nang ganyan ang suot?" Napatingin naman ako sa suot ko. Naka-red fitted dress lang naman ako.
"Bakit? Wala naman, problema sa suot ko."
"Palitan mo 'yan! Ang Panget tingnan. Kung mag-su-suot ka, dapat yung nababagay sa mukha mo." Ganun. Nang-iinsulto? Napairap tuloy ako ng di oras.
"Tss. Oo na po, papalitan ko na." Nag-suot na lang tuloy ako ng t-shirt saka pantalon. Tss.
**
Papunta ako ngayon sa Bar. Sabi kasi nila Alak daw ang pampawala ng sakit, kaya pupunta ako. Actually, di naman talaga ako pupunta sa bahay ng kaklase ko. Dito talaga ang punta ko. Nagsinungaling ako.
Kinakabahan ako na ewan. First time ko kasi 'to. Saka hindi pa ko eighteen. Baka mahalata nila ako.
Pinagmasadan ko ang suot ko. Argh! Magpapalit talaga ako. Buti na lang at nagbaon ako ng damit.
.
.
.
.
.
.
.
.
*Tugs tugs tugs tugs*
Woo~ mukhang ma-e-enjoy ko 'to ah. Ang dali lang palang makapasok dito.
----Flashback----
"Hi Boys" bati ko sa mga guwardya. Akmang papasok na ko kaso, pinigilan nila ako.
"Neng mukhang bata ka pa. Hindi ka pa pwede dito." Hinawi ko ang buhok ko.
"Excuse me?! Mga kuya, alam kong baby face ang mukha ko, pero hindi sapat na dahilan yun...para hindi nyo ko papasukin!" Sabi ko.
Pero seryoso, ang lakas na ng kabog ng puso ko. Kinapalan ko na nga lipstick ko, pinaiksi ko na suot ko...para lang magmukha akong pokpok---este dalaga.
"Ay ganun ba. Hehe sorry. Sige pasok ka na Ineng." Lumuwag na ang paghinga ko. Wooh~ mabuti na lang at marunong akong umakting.
----End----
Hehe galing ko talagang mang-uto. Anyways umupo na ko.
Ughh ano ba..uhmm pa'no ba, mag-order? Ano ba yung pangalan ng mga alak nila?
Hmm, maya na nga lang, maghihintay na lang ako ng mag-o-order, para sigurado.
"Carlorossi please." Sabi nung lalakeng katabi ko. Ano daw Car--- ano...Carbonarra?
"Okay one glass of Carlorossi." Pag-uulit ng Bartender, kaya sumingit na ko.
"Ah, ako rin kuya. Ganun din sakin." Ngumiti naman si Bartender.
"Okay, coming right up."
Napatingin ako sa lalake gamit ang pheriperal vision ko, nakatingin sya sakin. Kaya inayos ko ang dress ko at ibinababa ito.
"Pfft." Napakunot ang noo ko, nung nagpipigil sya ng tawa. Anong tinatawa tawa nito?!
Argh napailing iling na lang tuloy ako. Mayamaya, ibinigay na samin yung Alak na hindi ko alam...kung paano inumin, kasi first time ko talaga 'to.
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Storie d'amore***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-
