Mei Naydyel Dela cruz's P.O.V
Isang linggong nag-leave si Niel dahil kay Alli. At nalulungkot ako sa sitwasyon ni Alli ngayon.
Nag-suicide ang Mommy nya at hindi malaman kung bakit ginawa iyon. At dalawang araw na ring absent si Kent. Hindi ko alam kung ano na bang nangyayari sakanya.
'Baka nag-suicide din?'
Sinampal ko ang sarili ko. Tanga ka talaga Mei! Mag-iisip ka na nga lang, negative pa!
Hindi naman ako makabisita sa bahay nina Alli at Niel, dahil hindi ko naman alam kung saan.
I sighed.
"Mei di ka pa uuwi?" Si Angel slash Katarina
"Uuwi na rin. Aayusin ko lang 'tong bag ko"
"Ah sige. Mauna na ko ah?"
"H'wag bata ka pa" biro ko na ikinanuot ng noo nya. Hindi nya siguro naintindihan. "Wala--ingat ka" bawi ko. Tumango sya at umalis.
Masyadong seryoso eh!
Inilagay ko na ang lahat ng libro sa bag ko at may napansin akong may nakasingit na yellow pad sa notebook ko. Agad ko naman itong kinuha at binasa.
Mr. Kent Angelo's house.
-Unknown Guy-
Hmmm...hindi naman masama kung bisitahin ko si Kent.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinext si Kent.To: Ang pogi q tlga
Punta aq s apartment mo.
Send!
**
*Sa Apartment*
*Knock knock*
"Kent?" Walang sumasagot. Sinubukan ko ulit na tawagin sya ng limang beses, ngunit ganun pa rin...kaya pinihit ko ang doorknob at laking gulat ko nang bumukas ito.
Ganun? Hindi naka-lock
"Kent papasok na ko ah?" Ani ko.
Ito ang pangalawang beses na. makapunta ulit sa coloured pink na apartment ni Kent. Tahimik ang paligid.
Hinanap ko si Kent sa sala...sa kusina, sa banyo pati na rin sa bahay ng daga..kaso wala. Kaya dumiretso na ko sa kwarto nya.
Pinihit ko ang doorknob at hindi rin ito naka-lock kaya pumasok na rin ako. Nakahiga sya at nakataklob ng kumot ang buong katawan niya.
Umupo ako sa higaan nya "Kent" ginigising ko sya
"Huy! Kent" niyugyog ko sya ng malakas
"Hmm?" Lumuwag naman ang paghinga ko nang sumagot na sya..akala ko, nag-suicide na rin eh.
Tinanggal nya ang pagkakataklob ng kumot sa mukha nya.
At nanibago ako
"What are you doing here?" Panimula nya. Bumangon sya at tumambad saakin ang makasalanang abs nya. I gulped! At tumingin sa taas

BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-