#10

162 21 1
                                    

Illegal Jobs...

Illegal Jobs...

Illegal Jobs...

Whoah! Ano ba yun?! Kailangan kong mag-computer!

"Wag ka masyadong kabahan." Sabi nanaman ni Leader. Pa'no kakabahan, eh hindi ko nga alam yung ! Illegal Jobs

"Bakit mo alam 'yan? Leader?"

"I Told you, your father and my Father know each other." Napahilamos na lang ako ng mukha.

"Marami kang hindi alam Mei." Napakunot ang noo ko dun. Marami pa kong di alam?

"Patabi~" di ko na lang pinansin yung nag-salita.

"Whow~ Girl lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako sa katabi ko, si Kent pala!

"Ano ba yung Chinichika nyo Leader? Bigla kasi nagbago ang mukha ni Girl~" Tanong ni Kent. Pero di sya sinasagot ni Leader.

"Hansen, tinatanong kita." biglang tumahimik ang paligid ng bahay, nung mag-salita si Kent ng ganun. Saka ano daw? Han-- ano?

"H-huh? A-ahh sinabi ko lang yung about sa papa namin." Mautal utal na sabi ni Leader. Napatingin ako kay Kent.

"Tae ka! Kadira ka! Argh!" Sabi ko. Nangungulangot ba naman! Baluga 'yan! Di man lang mahiya!

"Whow~ anong problema dun? Eh sa makati ang ilong ko eh. Hahahaha."

"Leader pauwiin nyo na nga 'to si Kent! Di naman nakakatulong eh!"

"Pfft. Hahahaha!" Aba't tinawanan lang ako,kanina parang kinakabahang natatae lang si Leader. Ngayon tumatawa na. Aba'y matinde~

"Mga siraulo na 'ata mga ka-grupo ko." Bulong ko.

"Girl pwedeng makinuod ng movie? Inaantok kasi ako eh." Request ni Kent.

"Eh kailan bang laging mulat 'yang mata mo?" Sabi ko. Ngumiti sya ng nakakaloko. Parang alam ko na ang mangyayari.

"Pikit ako, kapag sa ibang tao. Mulat naman ako kapag ikaw ang kaharap ko. BOOM!" Sabi ko na nga ba eh.

"Ewan manuod ka na nga lang!" Sabi ko, sabay bigay ng mga cd's.

"Girl~ puro naman mga Superman 'to eh. Kung hindi tao, cartoon naman."

"Eh wala ka ng magagawa, ayan lang mga cd's namin eh." Makita ko pa lang Mukha ni Superman, lumalaglag na panty ko. Hehe oo crush ko sya.

"Wag na nga lang." Sabay lagay nya sa lagayan ng mga cd-han. Nagalit naman ako. Aba inii-snob ang Superman ko!

"Wag mong i-snobin ang Superman ko! Manuod ka jan!" Sabi ko. Sabay lagay ng Cd sa DVD, gusto ko ulit panuorin.

"Gusto mo si Superman Girl?" Tanong ni Kent. Hala nahalata nya bang crush ko si Superman? Secret nga lang yun eh.

Nasa gitna na kami ng palabas, at ito na ang pinakapaborito kong Line.

"Nasa paligid lang ako." Halos magkasabay na kami ni Superman ng sabihin yun. Yiee di ko alam kung bakit adik na adik ako kay Superman.

"Girl nagtatampo na ko." Napatingin ako kay Kent.

"Huh?"

"Halatang may gusto ka kay Superman. Ajujuju."

"Eh paki mo ba!"

"Bakit mo pa hahanapin ang mga taong nasa paligid mo?"

"...eh nandito lang naman ako, nag-a-aligid sa puso mo."

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon