#12

208 19 4
                                        


Tatlong araw na ang nakalipas, pero iniisip ko pa rin ang boses na sumingit sa pagtawag ni Kent sakin. Hindi akong magkakamaling boses ni Papa yun.

"Mei? Di ka pa ba uuwi?" Ani ng kaklase ko. Uwian na pala, di ko namalayan.

"Ahh. Oo uuwi na."

**

"Ano ba 'yan kung kailan uwian na, saka naman uulan. Great just Great! Tss." Nandito ako ngayon sa entrance ng school. Hinihintay tumila ang ulan! Tsk!

Marami rin kaming estudyante dito, tulad ko ayaw rin nilang mabasa.

"Ano ba 'yan matagal pa 'ata titila ang ulan eh. Sumugod na lang kasi tayo." Estudyante 1

"Haay ang kulit mo, tara na nga. Hoy tara na mga nakatanga lang eh." Estudyante 2

"Tara..tara." At saka nga sila nag-si-sugudan sa ulan. Yung iba ganun din ang ginawa. No choice nga naman sila. Kaya no choice din ako. Susugod na rin ak---

"Don't!" May pumigil sakin. Napalingon ako.

"Sir?"

"Huwag kang sumugod sa ulan. Magkakasakit ka."

"Eh anong gusto mo Sir, maghintay lang ako dito ng matagal?!" Sabi ko.

"Hindi."

"Eh ano?!"

"Ihahatid na kita." Tatanggi pa sana ako kaso---

"hintayin mo ko dito." Bigla na syang nag-sabi ng ganyan. Kaya Napatango na lang ako, pero bago muna sya umalis inabot nya muna sakin yung payong nya. Wag nyang sabihing susugod sya sa ulan?! Ay tae sumugod nga!

Pagkatapos ng tatlong minuto may kotse na nasa harapan ko.

"Sakay na." Sabi nya. Tumakbo naman ako papunta sa kotse nya.

"Pwede naman na sabay na tayong pumunta sa kotse mo Sir. Para di ka na mabasa." Sabi ko pagpasok na pagpasok ko sa kotse. Ngumiti lang sya.

"Tingnan mo 'to tingnan mo 'to may gana pang ngumiti. Ikaw tuloy yung nabasa!" Sungalngal ko habang pinupunasan ko ng panyo ko yung damit nya. Hmph akala namang matutuyo yung pagpupunas ko eh.

"Haha. Kung makapag-salita ka para kitang asawa. Hahaha" Napatigil ako sa pagpupunas. Asawa? Naalala ko pa lang meron na pala sya nun.

"What's bothering you Mei?"

"Huh? W-wala ah." Napakunot naman ang noo nya.

"Eh bakit ka tumigil sa pagpupunas?" Umiling iling na lang ako. At saka sumandal na sa upuan at tumingin sa labas.

Inaamin ko ang sakit pa rin.

Forever can never be long enough for me
Feel like I've had long enough with you
Forget the world now we won't let them see
But there's one thing left to do

Now that the weight has lifted
Love has surely shifted my way
Marry me
Today and every day
Marry me
If I ever get the nerve to say
Hello in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will
Mm-hm

Lumabas ang luha ko nung narinig ko ang kantang yun.

"Ah g-gusto mo bang ibahin ko yung kanta?" Biglang tanong nya. Umiling ako ng hindi humaharap sakanya.

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon