#19

63 11 1
                                        

Matapos ang nangyari sa Aktingan. Nag-lilo muna ako.

Friday ngayon at hindi nanaman ako pumasok. Nasasaktan pa rin ako. Umiiyak nanaman ako. Bakit hindi ko na lang kasi tanggapin na hindi kami para sa isa't isa?! In fact, bata pa ko...marami pang lalake ang dadaan saakin. Pero bakit ganun...sya talaga ang gusto ko, ang mahal ko.

King Nathaniel Madison ano bang pinakain mo saakin at lagi akong nagkakaganito sayo?!

-FLASHBACK-

"Ilang beses ko bang sasabihin na... bawal mag-cellphone dito sa loob ng library Ms. Mei" napasimangot ako sa sinabi ni Sir. Napaka-kill joy talaga nitong Sir na 'to. Kung hindi lang talaga sya famous. Nasapak ko na 'to.

"Eh. Sir hindi naman ako nag-te-text, hindi rin naman ako naglalaro. Nag-di-dictionary lang po ako dito. Ito po oh." Sabay pakita ko sakanya ng cellphone ko. Tinabig nya naman ito. Aba!

"Mali pa rin 'yang ginagawa mo." Sinimangutan ko na lang sya, tas tinago na yung cellphone ko. "Patabi" sabi pa nya.

"Ano ba 'yang binabasa mo?" Tiningnan ko naman sya. Kailan pa nangielam 'to?

"Huh? Baka pati pagbabasa ko Sir, pagbawalan mo." Sarcasm na sabi ko. Ngumiti lang sya.

"Wala akong sinabing ganyan." Sabay gulo ng buhok ko. Inayos ko naman. "Star? Mahilig ka pala sa mga ganyan." Tumango na lang ako. Hanggang sa nakipag-kwentuhan sya sakin about sa nalalaman nya sa mga Stars.

Hindi na ko naiirita sakanya, kasi ang galing nyang magkwento. Bagay nga talaga syang maging teacher,akala ko papogi lang ang alam nito. Simula n'on naging magkaibigan kami. Hindi pala sya masungit sa personal. Masarap syang kasama.

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon