11/05/2015
Go with the Flow.
-Unknown Guy-
Wow! Matapos ng Isang linggo at anim na araw, ngayon lang nagparamdam si Unknown Guy. Umiling-iling ako.
*Inhale*
*Exhale*
Kaya mo ito Mei, alang-ala sa Grade. Kaya mo ito. Ngayon na kasi ang Performance namin sa Filipino.
"Goodluck Mei." Sabi ni Genice yung Leader namin.
"Galingan mo Mei ah." Si Angel sabay tapik ng braso ko. Ngayon lang sya nakapasok, kasi may aksidente daw na nangyari sakanya. Napuruhan daw ang paa nya. Sayang ang Ganda pa naman ng Legs nya.
"Sige, gagalingan ko...kapag nakatayo ka na ng maayos." Hinampas nya ko ng mahina sa braso.
"Haha Grabe ka, di pa naman ako Lumpo. Makakatayo pa ko." Tumawa na lang ako. Tumingin tingin ako sa paligid.
"Leader nasa'n nga pala si Leo?"
"Leo?" Ay tanga ako lang 'ata nakakaalam ng totoong pangalan ni Ravi.
"Ayy si Ravi pala hehe." Napakunot ang noo ni Leader.
"Ay Shit! Talaga yun!" Naguguluhan ako sa reaksyon ni Leader. "Hindi nga pala, makakapasok si Ravi. Nilalagnat." Huh?
"Eh pa'no 'yan Leader? Sino ang Partner ko?" Kinabahan tuloy ako.
"So...ready na ba kayo Group three?" Sulpot ni Niel. Makita ko lang sya, naalala ko nanaman ang eksena sa Mall,pati na rin ang paghalikan nila ni Alli.
"Sir! Okay na okay na sana, kaso...si Ravi nga pala, hindi makakapasok, nilalagnat!" Pagpapaliwanag ni Leader.
"May I see the Script?" Binigay naman ni Leader. "Mukhang mahaba haba 'to ah."
"Opo nga po Sir eh. Pa'no 'yan. Quit na lang po kami?"
"No. Sayang ang Grade." Sabi ni Niel, habang tinitingnan ang manuscript.
"Eh sino po yung magiging Actor sa Story? Si Kent? Eh inilipat nyo na nga po ng Room yun. Saka may Play din sila." Napaupo na lang ako. Wala...wala na, sayang lang effort ko mag-saulo.
"Diskarte lang 'yan Ms. Genice, you're a Leader...you should solve the problems." Sabi ni Niel at saka ibinigay na ang Script. Napabuntong hininga na lang si Leader.
"Magpanggap ka na lang na Lalaki Leader." Suggestion ni Angel.
"Ayy oo nga noh. Ang tanga ko talaga! Sige sige, sasauluhin ko lang 'tong script." Huh? Sasauluhin? Eh ang dami kaya nan.
*After 5 minutes*
"Woahh hindi ko kaya, idikta mo na lang sakin Angel mamaya." Tumango tango na lang si Angel.
"Okay let's now proceed, Group three." Sabi ng kaklase ko. Nagpalakpakan naman yung manunuod.
Sa Stage kami, ipini-perform ni Ma'am...para daw kapag nagkamali kami, sagad sa buto ang kahiyaan namin. Isama mo pa yung i-re-record nya at ipapalabas sa December.
"Kaya natin 'to Mei, alang-ala sa Grade." Pampalakas na loob ni Leader. Napatango na lang ako.
"Nagmukha kang tao ngayon Mei." Dagdag pa nito. Sarap din kutusan nitong Leader na 'to eh no?
Pumunta na kami sa Stage.
"Ah.. Magandang Tanghali sainyong Lahat, bago kami mag-simula. Ipapakilala muna namin ang tauhan sa Kwento." Introduce ni Angel.
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romansa***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-
