"T-tayo na?" Di makapaniwalang tanong nya. I smirked.
"Oo! Tayo na--ta-yo na at baka ma-late pa ikaw at ako." Akmang tatayo na ko, pero pinigilan nya ko at pinaupo ulit sa tabi nya.
"Paasa ka talaga" sambit nya saka pinisil ang ilong ko. Hinawakan ko naman ang kamay nya para tanggalin ito sa pagkakapisil sakin, kaso dumaing sya.
"Aww" napatingin ako sa kamay nya. May sugat ito at namamaga pa.
"Anong nangyari d'yan?" Tanong ko. Tinago nya ang kamay nya sa bulsa. "Nakita ko na, tinago mo pa." Depensa ko.
"Nakita ko na rin, tinatago mo pa." Kunot noo akong napatingin sakanya. Ano nanaman bang sinasabi nya?!
Tumawa sya...ng nakakaloko!
"Gusto mo na talaga akong makilala noh?"
"Usap kaibigan nga 'to Kent!" Natahimik sya saglit at ngumisi.
"Sige na nga. Sasagutin ko na talaga lahat ng tanong mo... But... In one condition."
"A-ano yun?"
"Makipag-date ka sakin mamayang uwian." Naiyukom ko ang kamao ko.
"H'wag na lang. I have my ways naman." Humalakhak sya saka tiningnan ako ng masinsinan.
"Lalo mo akong pinapaasa sa gagawin mo." I stopped.
"Hindi kita pinapaasa. Ikaw ang umaasa!"
"Ganun? Edi anong iisipin ko? pinakailaman mo ang cellphone ko at tiningnan agad ang contact list ko. Ang tanong mo puro babae, hindi mo 'ata napansin na karamihan dun puro lalake..." Paused. "Kung hindi ako nagkakamali, apat lang ang babae na nasa contact list ko. At lahat ng yun, naitanong mo."
"H-huh? B-bakit? Naitanong ko naman yung bakla sayo ah?"
"Bakit mo nga ba naitanong? Kasi akala mo pusong 'babae' ang nandoon?" Natahimik ako, wala akong maisip na ipapalusot.
"M-Mali ka! Napansin kong puro lalakeng nickname ang nasa contact list mo!"
"Then, bakit hindi mo sila naitanong?" Arhh! Utak gumana ka please!
Nanginginig ang kamay ko sa kaba. Wala na talaga akong maisagot.
"Nahuli na, nagpapalusot pa." Bulong nya. I give him a death glare--but he just gave me a TRIUMPHANT smile. I just tss-ed.
Talo nanaman ako!
"K-kung anong nangyari d'yan..." I paused then tumingin sa kung saan-saan. "...dapat gamutin na 'yan,kasi namamaga na eh. Baka lumala pa, kapag pinabayaan." Then I looked at him. Nakangisi ang loko!
"Ayokong gamutin.." Napataas ako ng kilay. "..gusto ko 'tong palalain, para maramdaman ko at mo kung gaano ako ka-baliw sayo." Napairap ako. Humuhugot nanaman.
"Namamaga na kamay mo, may gana ka pang mag-hugo--"
"---mag-pa-kilig? *smirked* "
"Hambog! Bangag!" Anas ko. Tumawa lang sya ng malakas.
"Oo na. Gagamutin ko din 'to. H'wag ka na mag-alala." Sabay gulo sa buhok ko. "Alam kong naguguluhan ka sakin. Pero sa ngayon, hindi ko muna ma-i-ke-kwento."
"Bakit?"
"Dahil sariwa pa rin ang sakit.*hawak sa dibdib*"
Tumango na lang ako, at saka nagbuga ng hinga. Tinap nya ang ulo ko at saka tumayo, inaabot nya ang kamay nya sakin.
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romantizm***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-
