#29

8 4 0
                                    


"..miss na miss na kita" napahiwalay sya sa pag-akap. Nagulat ako sa nasambit ko. "Ahhh ang nanay at tatay ko, at si Jeremy namimiss ko na." Palusot ko.

He smiled. Manhid! "Makikita mo rin sila, mamayang uwian." Saka ginulo ang buhok ko at umupo sa swivel chair ni Mr. Roll. Itinuro nya ang upuan na nasa harapan nya. Umupo naman ako.

"Okay ka na ba?" Alin? Yung pag-mo-move on ko sayo?

"Ah-o-oho"

"So~ ngayon, dahil inako mo ang lahat..malaking stress talaga ang maiidulot nun sayo."

"At dahil ikaw ang student ko, ako ang naka-toka na mag-tu-tutor sayo, para naman mabawasan ang pag-ka-stress mo."

Parang hindi naman 'ata? Baka dumagdag lalo pag-ka-stress ko, dahil makakasama nanaman kita. Yayks!

"Ah-o-okey h-ho"

Tinitigan nya ko at hinawakan ang kamay ko. Ito nanaman yung kuryente!

"Okay ka lang ba talaga Ms. Mei?"

"Ah-o-oho. Bakit naman p-po?"

"You're stammering" yakapin mo ako ulit. Joke lang!

"N-nilalamig lang ako."

"Ah. Sige, hihinaan ko yung aircon." Tumayo sya at saka ako nagbuga ng hangin. Napahawak ako sa dibdib, ang bilis. "Okay na?" Tumango ako.

Umupo ulit sya at nagtanggal ng salamin. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Syeetee! Ang gwapo!

"So-uhm- ayos lang ba sa parents mo na, doon ako sa bahay nyo magturo?" Tumango ako. "Dalawang oras lang ang itatagal ko, so..don't worry."

Kahit matulog ka pa! Hehe!

"Uhh-- Sir."

"Yes?"

"Bakit hindi na lang ho ulit si Kent ang mag-tutor sakin? Diba ho sabi nyo noon, marami po kayong inaasikaso?" Napataas sya ng kilay.

"Hmm~ hindi muna pwede si Kent"

"Bakit?"

"Dahil, alam na naming mga Teachers ang issue nyo. Baka imbis na pagtutor ang gawin sayo ni Mr. Ramos, eh baka man-diskarte lang yun sayo."

"Hindi naman ho ganun si Kent"

"Final na ang desisyon ko." Umiba ang aura nya. Kaya di na ko sumagot.

Tumingin ako sa oras. 2:30 pm na.

"Sir, pwede na ho ba kong bumalik sa room?"

"Sure" tumayo na ko. "Wait" pigil nya at saka may kinuha sa bulsa nya.

"Hmm?"

"Use my handkerchief" kinuha ko naman ito. "May luha pa sa gilid ng mata mo" pinunasan ko naman ito. Ang bango naman ng panyong 'to. Hehe!

May bigla akong naalala.

"Ah! Di ko pa ho pala naisasauli ang panyo nyo."

"Hmm?"

"Remember Sir? Yung--" natigil ako. Ipapaalala ko ba?

"What is it?"

I gulped "yung araw ho nung malakas ang ulan, tas inaya mo kong ihahatid samin, tas nung nakapasok na ko sa kotse mo... tumunog ng 'marry me' yung radyo..." Napakagat labi ako.. Ipagpapatuloy ko pa ba?

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon