Matapos makipag-usap kay Marvilan, pumasok na ulit ako sa School. Halos dalawang subject din ang hindi ko napasukan.
Pagpasok sa room, sinadya kong dumaan sa upuan ni Angel.
"Hi" bati ko. Nagtatakhang tumingin naman sya sakin.
"Hello?" Pagbabalik nya. I smiled, at napadako sa mga binti nya..may mga peklat ito.
"Kamusta ang binti mo Angel? Okay ka na ba?" She nodded. "Na-curious lang ako..ano bang nangyari d'yan?"
Tumingin sya sa taas, kapagkuwan hindi nya alam kung sasagutin nya ba ito o hindi. "Ahm..nasemplang ako sa bike.." Napatango tango ako at saka umupo na sa pwesto. Liar!
"Do you know her?" Marvilan asked.
"She's my classmate. Her name is Angel Montero."
"Should I identify her too?" I nodded.
Napatungo na lang ako sa mga naiisip ko. Bakit ang gulo ng mundong ginagalawan ko!? Aist!
**
Lunch break na at kasabay kong kumain si Kent. Hindi ako makakain ng maayos dahil ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.
Si Marvilan ang pinakamagaling kong searcher sa mga tauhan ko... Pero bakit hindi nya mahanap ang tinatago ng lalakeng 'to?
"Let's proceed to Mr. Kent Angelo Ramos.." Change topic ko kay Marvilan. Matapos mapanuod ang video.
"Hmm. Well, nothing uncanny in him. He's 16 years old--" di ko na pinatapos ang sinabi nya. Sa edad pa lang maling mali na sya.
"--Okay. How about Leo Zachary?"
"Leo Zachary Bernett, 23 years old, he's a expertise, especially in guns. Sya rin ang tagapagmana ng business ng ama nya. Ex girlfriend nya si Katarina Williams. At isa sya sa mga body guard ni Mr. Cervantes."
Mr. Cervantes? Hmm. I wonder parang narinig ko na yung apelyido na yun. Saan ko nga ba narinig yun. Syete naman, ang bilis ko talagang makalimot!
"I Love you"
Napabaling ako sa nag-salita. "H-huh?"
Ngumiti sya at kumuha ng hotdog at saka isinubo saakin. Kinain ko naman ito.
"Sabi ko I Love You. Gustong mong subuan kita?" Taas baba pa ang kilay nya.
"Kaya ko na"
"Lalim kasi ng iniisip mo. Ano ba 'yung iniisip mo?"
"Ikaw"
"Ako? Naks! Naman... Parang pumapasok na ko d'yan sa puso mo hehehe"
"wala naman. Iniisip ko lang, kung sino ka ba talaga"
Natigilan sya at seryosong napatingin saakin--ngunit ngumiti rin ito.
"Wala namang kakaiba sakin.." Panimula nya. "Siguro, curious ka lang sakin dahil hindi ako nagke-kwento sa mga buhay buhay at problema ko. Pero kasi Dora, hindi kasi ako mahilig sa mga ganyang usapang drama. Ang gusto ko lang..maging masaya."
Napatungo ako "sorry"
Humalakhak sya at pinanggigilan ang pisngi ko "okay lang. Makikilala mo rin ako kapag pinasok mo na ko d'yan sa puso mo hehehe" I smiled.
"Naydyel!" Natigilan ako sa pagtitig kay Kent ng may tumawag saakin. Si Alli
"Hey" bati ko at napatingin sa katabi nya. Si Niel
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-