"Alam mo parang ikaw yung 'tao' at ako yung 'Tae'"-KentTiningnan ko naman sya.
"....kasi iniiwasan mo ko." I just rolled my eyes.
"Bakit mo ba ko iniiwasan Girl ha?" Pangungulit nya sakin.
Kasalukuyang naglalakad kami ngayon papunta sa room namin. Simula nung chinat nya ko about sa 'panliligaw' nya. Iniiwasan ko na sya.
"Huy! Pansinin mo naman ako."
"Girl!"
"Tch! Aba! Sige lang, panindigan mo 'yang pagiging 'tao' mo babae."
"Hmph! Sayang may ibibigay pa naman ako saiyo." Pagmamayabang na sabi nya. As if I care.
"Gusto mong malaman? Say 'I love you' muna. Dali! Sabihin mo na." Tiningnan ko lang sya ng masama.
"Ayy nakoo~ Pastilan! Hindi mo talaga ako papansinin Girl?" Mala-warning tone na sabi nya.
"Sige. Hahalikan kita d'yan!" Inirapan ko lang sya at saka binilisan pa lalo ang paglalakad.
"Hoy!" Tawag nya sakin,sabay hawak sa braso ko, kaya napatigil ako. "Bakit ka ba Ganyan saakin Girl ha? Nakakasakit ka na ng feelings ah."
"Ayan na yung room mo. Bitawan mo ko!" Sabi ko. Imbis na bitawan, lalo nya pa itong hinigpitan. Aist!
"*sigh* Ito na po...ibibigay ko na, tampo ka na agad eh." Huh?
Binitawan nya na nga ko, at saka may kinuha sya sa bulsa nya. Kinuha nya ang kamay ko, at may inilagay doon.
"Sige na Bye na. Bati na tayo ah? Hehe"
Matapos nyang sabihin yun bigla nya kong hinigit at hinalikan sa....noo ng mabilis. Nagulat naman ako sa nangyari, kaya bigla akong natulala.
"Uyyy~ namumula sya, keleg ka? Sya tayo na." Bigla naman akong nagising sa katotohanan.
Aist! Nakoooo! Bakit ko ba nakilala 'tong lalakeng 'to?
"Ewan ko sayo!" Sabi ko, sabay alis.
"Ingat ka ah? Maya ka na maghanap ng mga pokemon. Sige... Love you, lavidabs, mahal,sweety pie, tuti fruity, buko, asawa ko, yhatz. Kita tayo mamayang Lunch. Hehe" sigaw ni Kent.
One word.. Nakakahiya!
**
"TOTOO 'BANG NILILIGAWAN KA NI KENT?!"
'Yan ang mga salitang bumungad sakin pagkapasok na pagkapasok ko sa room. Ang bilis talaga kumalat ng mga tsismis.
Umiling na lang ako bilang sagot. At saka umupo sa pwesto ko.
"Naku~ Mei, 'wag mo ng i-deny, kalat na sa school...na nililigawan ka ni Kent." Sabi nitong tsismosa na Leader na 'to habang sinusundot sundot ako sa tagiliran.
Nakakainis na ah!
"Hin-----"
"---Okay! Section eleven... Good Morning" di ko na naituloy ang sasabihin ko, dahil sumulpot bigla si Sir Niel sa harapan namin.
"Good Morning Sir!" Bati ng mga kaklase ko. Pero ako hindi nagsalita. Nakasanayan ko na siguro 'to... Yung gusto ko, ako lang ang babatiin ni Sir.
Napansin naman ni Niel, na hindi ako bumati sakanya...kaya lumapit sya sakin.
"So...long time no see, Ms. Mei" nakangiting sabi nya.
Ngumiti lang ako. Mag-Good Morning ka na!

BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romansa***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-