Natahimik si Kent, pero nanatili pa rin syang nakatitig sakin. Walang bakas na pagkagulat sa mukha nito. Kalmado at walang kislap sa kanyang mata.
"I kill people" simple pero makahulugang aniya "can I kiss you now?"
Magsasalita sana ako--nang bumangon sya at hinawakan ang magkabilaang pisngi ko. Awtomatikong pumikit ako.
Pero ilang segundo rin ang lumipas nang wala pa rin akong nararamdaman na malambot na labi sa labi ko. Minulat ko ang aking mata. Ang ulo ni Kent ay nasa taenga ko.
"Someone is coming" bulong nya saka humiwalay sa paglapit sakin at umayos ng upo.
--sakto namang bumukas ang pinto at inuluwa doon si Jeremy na sobrang dungis at namumula ang pisngi, parang galing ito sa sampal.
Sinalubong ko sya "Jeremy..bakit ganyan ang pisngi mo?"
Umirap sya "Malamang sinampal!" Ako naman 'tong umirap saka ginawaran ng malakas na kutos
"Ayus ayusin mo 'yang sagot mo ah!"
"Am I interrupt something?" Sa halip 'yan ang sinabi nya.
"Oo. Nanunuod kami ng superman ng Kuya Kent m--" natigil ako. May biglang sumulpot sa likod ni Jeremy.
"Oh tol. Bakit ganyan ang hitsur--" lumapit din si Kent kay Jeremy, pero natigilan din sya sa nakita nya. "Oh. Sir Nathaniel"
Bakit sya nandito? Diba dapat nasa lamay sya ng Mommy ni Ate Alli. Why?
"Napabisita ka Sir?" Si Kent.
Ngumiti si Niel "may I come in?"
Mabilis akong tumango "pasok po ikaw" pumasok naman sya. Pinaupo ko sya sa mahabang sofa at pinatay ang T.V. Bumulong sya pero sapat na para marinig ko 'yon "superman"
Umupo din si Kent. What to do? What to do? Oh God! Clueless talaga ako kung bakit sya nandito.
"Ahm. Sir. Okay lang ba kung maiwan ko muna kayo dito? Lilinisin ko muna si Jeremy"
He nodded "sure. Take your time"
I nodded at pumunta sa kwarto. Humabol pa ako ng tingin sa dalawa. Tahimik lang sila at seryoso ang mga mukha nito. Parang mag-kasintahan na nag-away dahil lang sa selos.
"Sino ang sumampal sayo?" Kaagad na tanong ko. I'm worried, kahit matigas ang ulo nito. Mahal ko pa rin 'to!
"Kaye" (pronounce as 'Key'->tagalog)
"He or a she?" Paninigurado ko.
"She" tipid na sagot nya habang hinahawakan ang namumulang pisngi.
"Well she have a reasons, why she did that to you. Tell me what happened, but not your point of view" ani ko
Marahang bumuga sya ng hangin "I was playing truth or dare with my playmates. I choose dare, because--"
I stopped him "I told yah, not your point of view"
He tsked. Baka kasi kapag yung side nya ang pakinggan ko baka pumangit ang tingin ko kay Kaye. Mas maganda nang malaman mo ang exact na nangyari, kaysa malaman mo ang mga sides nila. Dito mo malalaman ang kung sino ang mali at tama.
"I choose dare" pag-uulit nya "then they told me that to kiss Ms. Kaye Cornelia... And I did, I kissed her, and then she slapped me" pagtatapos nya. Kung titingnan ang mukha ni Jeremy, parang wala itong bahid na pagsisisi. Parang gusto pa nya ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-
