"Huh? Ano 'yon sir?" Di ko kasi gaanong narinig, paano ang hina ng boses."Huh? Ahhh wala, kalimutan mo na nga 'yon."
"Ah. Okey. Tara na Sir turuan mo na ako, para maaga naman akong makauwi." Sabay ayos ko ng upo.
"Ah wait lang..." Agad-agad naman akong lumingon, yung totoo Mei adik sa mukha ni Niel? "Bakit Sir?"
"Since naging active ka sa subject ko, pwede ka nang umuwi." Nabigla naman ako.
"Di nga Sir?" Tumango lang sya. "Yes! Thank you Sir" sabay yakap ko sakanya."Ahmm. Ms. Mei?" Ngayon ko lang napagtanto, NAKAYAKAP pala ako kay Niel sa sobrang tuwa, naku ang Awkward. Agad naman akong humiwalay.
"Ah sige, Sir uwi na ako. Bye" sabay takbo ko. Naririnig ko pang tinatawag nya ko, pero di ko na binigyang pansin.
*BLAAGGGG*
Ouch. May nakabangga ako, solid ulo ko dun ah.
"Ah. Sorry." Sabi ko sa nakabanggaan ko habang hinihimas ang noo ko.
"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" Napatunghay naman ako ng di oras, what the nag-sorry na nga ko diba? Bwiset 'tong lalakeng 'to ah.
"Eh kaya nga sorry nga po." Pag-uulit ko. Galit na ang pag-sasabi ko.
"Kaya nga, sa susunod tumingin tingin ka sa dinadaanan mo." Bastos pala 'to eh. Ginagantihan ako. Inirapan ko nga at umalis na, bahala sya di naman sya kawalan sakin. Masyado syang may pinanghuhugutan.Pag-uwi ko, ngiting aso ako. Pa'no ba naman yung ngiti ni Niel ibang iba kapag nginingitian nya ko, yung ngiting nag-sasabi ng 'sabi ko na nga ba eh, kaya mong sagutan.' Grabe kinikilig ako.
Aisst erase erase! huwag ng umasa, kita mong magpapakasal na sya eh. Magdiwang ka na lang sa Recitation mo 95 percent din yun. Thank you talaga kay Unknown Guy.
Mayamaya nangalikot ako ng aking bag, baka may assignment na ibinigay pala samin si Ma'am. Sa pangangalikot ko, may nakita nanaman akong Yellow pad. Binasa ko naman ito.
09/25/2015
I Told you Trust me.
-Unknown Guy-
Napakamisteryo naman nitong Unknown Guy na 'to. Paano nya kaya nailalagay sa bag ko 'tong letter nya? Kinikilabutan ako sakanya. Sa kakaisip ko kay Unknown Guy, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Hoy ATE gising na!"
"Ayoko~ pa." Gusto ko pang matulog, sabado naman eh.
"Baka gusto mong buhusan kita ng malamig na tubig dyan!" Agad rin naman akong bumangon,haiist panira talaga 'tong Jeremy na 'to.
"Babangon ka rin pala eh. Bhelat"
"Haay! Lumabas ka nga muna dito Jeremy, naiirita ako sayo!" sabay bato ko ng unan sakanya.
"Bilisan mo 'yang pagkilos mo, may bisita ka." Bisita? Ang aga naman may bisita agad."Teka sino yung bisita ko?" Pagtingin ko kay Jeremy, ayun wala na. Hmph. As if naman magkakabisita ako, hello~ isang taon na akong walang kaibigan sa room. Ang mabuti pa ipagpatuloy ko na lang 'tong pagtutulog ko. Nagtaklob na ko ng kumot.
Hindi pa ko nakakapunta sa panaginip nang may naramdaman akong may humawak sa braso ko.
"Mei gising na" tumaas ang balahibo ko ng narinig ko ang boses na yun. Si Niel. Inalis ko ng kaunti ang kumot na natatakpan sa mukha ko para masiguradong hindi ako nagkakamali.
Syete! Si Niel nga!
Nagtaklob ulit ako ng kumot. "Ah maghihilamos na muna ako."
Gosh! Nakakahiya naman kung makita nya kong bagong gising.
"Osige. Hintayin na lang kita sa labas." Go tsupi tsupi!.Maya-maya lang bumangon na ko.
*Sigh*
Ngayon lang ulit sya bumisita dito sa bahay. Tumayo na ko at dumiretso sa maliit na banyo namin.

BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-