#1

464 26 13
                                    

Mei Naydyel De la Cruz's P.O.V

"Let's break up!"

Isang buwan nang lumipas nang makipag-hiwalay saakin si Niel. At sobrang sariwa pa rin ang sakit.

"I  fell in love with someone"

"At magpapakasal na kami this December"

"Sorry Mei"



"Ms. Mei *pak*"

"Aray!" Anas ko at tinapunan sya ng sama na tingin.

"What's bothering in you? Look may luha nanamang tumulo sa mata mo."

'Paanong hindi maluluha, nasa harap nanaman kita at naalala ko nanaman ang paghihiwalay mo saakin!'

Niel is my math teacher slash EX! Sya ang nag-tu-tutor saakin. Dahil bumababa na ang grades ko. Palagi akong nakatulala sa Classroom, at palaging nakatungo. Paano ako makaka-move-on kung palagi ko syang nakikita?!

Sa tatlong taon naming magkarelasyon, ni isang estudyante ang nakakahalata saamin.

"Hay naku Niel---"

"Sir" pagtatama nya. Okey.

"Sir alam ko na po 'yan. Kaya wag po kayong mag-alala." Sabi ko habang tinatapik ang braso nya.

"Okay. Anong formula nito?" Tiningnan ko naman ang tinuro nya. 'Okay hindi ko alam 'to.'

Tumingin ako sakanya---at agad ring umiwas,paano nakatingin din pala.

"Hehehe. Pwede po ba bukas na lang po natin ipagpatuloy yung panenermon---este pag-tu-tutor mo sakin Sir? medyo mag-ga-gabi na po kasi." Pagpapalusot ko.

Napatungo naman sya sa sinabi ko.

"Hay naku Ms. Mei di ko na talaga alam ang gagawin ko sayo. Paano ba kita maibabago?"

"Makipagbalikan ka sa'kin" napatunghay sya.

"Ha? May sinasabi ka ba?" Nataranta naman ako.

"Ha? Ahh ano...s-sabi ko Sir uwi na tayo. Bukas na bukas mag-se-seryoso na talaga ako. Promise" at tinaas ko pa ang kanang kamay ko. Napangiti naman sya.

"Sige,sabi mo 'yan ah." ginulo nya ang buhok ko, awww naalala ko nanaman ang happy memories natin.

"Tara hatid na kita." Grabe Niel! Makaka-move-on nga ako nito!.
"No Sir, kaya ko na ang sarili ko." kinuha ko na ang bag ko at lumabas na.

Paglabas, taranta akong maglakad. Naku anong oras na ba? Lagot na ko kay Mama. Binilisan ko lalo ang paglalakad.

Habang nag-aabang ng jeep. Napatalon ako bigla nang napansin ko yung coloured Black na Ferrari sa harapan ko. 'Hanggang dito ba naman susundin ako ng mokong na 'to!'

Bumaba ang windshield, at bumungad ang napaka-amo nyang mukha.

"Ms. Mei, sumakay ka na, baka kung mapaano ka pa."

"Niel ano ba! kaya ko na nga ang sarili ko! Magco-commute na lang ako!"

"It's Sir" ito nanaman tayo sa pagtawag na SIR na yan!

"Wala na kong karapatang tawagin kang SIR kasi nasa labas na tayo ng SCHOOL!" Natahimik naman sya.

Haay naku naman mga Jeep nasan na ba kayo? Kailangan ko na talagang makaalis dito. Di ko nanaman mapigilang umiyak. Baka anytime bumagsak nanaman ang pesteng luhang 'to.

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon