Uwian na...at hindi pa rin ako nilulubayan ni Alli. Nakayakap sya sa braso ko. Samantalang si Niel nauunang mag-lakad. Gusto ko rin naman ito, gusto ko pang makasama si Alli.Hindi dahil gusto ko syang plastikin, kung hindi..gusto ko pa syang makilala. Ngayon lang ako nakaramdam ng totoong kaibigan.
"Hatid ka nanamin Naydyel ah?" Pa-cute na sabi nya. Naglalakad na kasi kami ngayon, palabas ng school.
Tatanggi na sana ako kaso...
"Oh ano?! Tatanggi ka nanaman? Ganyan ka naman sakin Naydyel. Minsan na nga lang tayo magkasama tatanggi ka pa. *pout*" Juice ko! Sarap pisilin ng pisngi.
"Oo na. Makikisakay na ko." Natuwa naman sya sa sinabi ko, kaya bigla nya kong yinakap.
"Yieee~ magpapakain ka sainyo ah?" Napatango na lang ako ng di oras.
"Ah. Pangit yung bahay namin. Baka hindi mo magustuhan."
Sinamaan nya naman ako ng tingin at pinisil ako sa pisngi.
"Hmph! Girl~ may bahay man o wala. Pangit o maganda. Basta welcome ako. Kuntento na ko." Napangiti nanaman ako. Feeling ko na-ti-tibo ako sakanya eh.
"Tara sakay na tayo." Tumango naman ako.
Akala ko sa front seat uupo si Alli para makatabi nya yung lavidabs nya. Pero nagkamali nanaman ako...tumabi sya sakin.
"Aba hindi mo naman masyadong close si Ms. Mei ano Alli?" Sabi ni Niel, habang nag-ma-maneho. Tumawa lang si Alli.
Tumingin ako sa front mirror. At umiwas nanaman. Nakatingin nanaman sya sakin.
"Anong pangalan mo sa Facebook Naydyel. I-a-add kita." Sinabi ko naman. "Accept mo ko ah...like mo na rin mga post ko. Joke! Haha" tumawa lang ako.
Parang ang awkward? Hindi kasi ako makadaldal ng maayos, dahil kay Niel. Tch!
"May boyfriend ka Naydyel?" Nanigas naman ako sa tanong nya.
"Oh? Hala! Bakit bigla kang natahimik? Yie~ meron. Sino? Pakilala mo naman sakin." Sabay sundot sa tagiliran ko.
"Ahh oo, nagkaroon ako ng Boyfriend...pero hiwalay na kami."
"Ayy! Bakit naman?" Malungkot na tugon nya.
*sigh*
"Ahhh Hehe may mahal na kasi syang iba." Ngingiti-ngiti kong sabi.
"P-pero mahal mo pa rin sya?"
*dugdugdugdugdugdug*
"Ha? Ahh---."
"---Were here."-si Niel. Wooh~ save by the bell.
"Oh! Nandito na pala tayo. Tara na Alli." Aya ko.
"Oh. Okay. Hihi"
*sa bahay*
"Aww~ your house is so cute~" kinikilig na sabi ni Alli.
Napatingin naman ako sa bahay. Kalat kalat ang damit, tambak na hugasin, yung mga laruan..nagkalat kung saan-saan. Alin ang CUTE d'yan?!
"Oh. May Bisita ka pala Mei. Hindi ka man lang nagsabi, edi kung sana nakapaglinis ako." Sulpot ni Mama sa harapan namin.
"Ahh. Nope! It's okay lang po. Hehe"- Alli. Napangiti naman ako.
Pinaupo ko muna sila at pinagtimpla ng tsokolate, habang si Mama nagluluto ng sopas.
Napansin ko namang tingin ng tingin si Jeremy kay Alli. *smirk*
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-