#28

14 4 0
                                    

**Court**

"ANG TAGAL NAMING NAG-HI-HINTAY SAINYO,TAPOS MABABALITAAN NAMING NANUNUOD LANG KAYO NG AWAY?!" Sermon agad nitong baklitong Teacher na 'to, pagka-upo na pagka-upo namin."Bagay talaga na hindi kayo makaka-graduate."

Maraming nag-reklamo at nag-sorry.

"Oh sya! Tapos na rin naman. Ngayon..! kaya namin kayo pinapunta dahil mag-te-take pa kayo ng another special exam." Umugong ang ingay.

"Hala! Akala ko po ba,kapag naipasa namin ang test makaka-graduate na kami?" Reklamo nung babae. Nag-sipag-oo-han naman kami.

"Aba aba! Sa dami ng bagsak ng grades nyo, sa tingin nyo matatakpan agad yun?!" Natahimik kami.

Musta na kaya si Kent? Nasa Guidance office pa kaya sya? o nasa BABAE nya?! Peste! Bakit ba iniisip kitang BANGAG ka?! Pakielam ko sayo!

"HOY NAKIKINIG BA KAYO?!" Napa-igta ako. Nakatingin sakin si Bakla.

"O-opo~" sabay sabay naming sagot. Umirap lang sya.

"Maya-maya lang pupunta dito ang mga representatives natin dito sa school..."

"Bakit Sir?" -lalake

"Mamaya nyo malalaman. Sa ngayon ito ang pointers to review. Mag-aral ng maigi!" Binigay nya ang mga photo copy samin. Tiningnan ko naman ito at--putek--five pages!

"Oh ito na ang mga Representatives. Greet them."

Napa-irap ako. Kailangan pa ba yun? "Good afternoon Representatives~ nice to meet you!"

Tumangong nakangisi ang mga ito. Bale~ anim silang mayayabang! At bente kaming nanganganib.

Umupo na sila sa bandang kaliwa namin. Bale~ nakahiwalay sila saamin.

"Ngayon...kaya namin kayo pinapunta dito para sabihing, hindi muna kayo ang lalaban sa iba't ibang school."

Umugong ang ingay.

"*Tumayo* Bakit naman po? Sino ang papalit samin? Pano na lang po ang school? This is absurd!" Ang O.A!

"Calm down Patricia. May papalit sainyo at yun ay ang mga *itinuro kami*"

"What?! This is Ridiculous! Sir, school name ang usapan natin dito. Bakit sila ang naisip nyong pambato sa school?!" Nainis ako sa tabas ng bunganga nya at panduduro samin,anong iniisip nya? Bobo kami?!

"Oo nga Sir, baka matalo pa ang school natin..dahil samin." Sabat nung lalake. Naiyukom ko ang kamao ko.

"Oo nga Sir! Baka sisihin nyo pa kami kapag natalo ang school natin."- babae

"Imposible naman yun. Matatalino sila, wala kaming laban."- babae

Masyado silang negatibo!

"See Sir? Umamin na sila na hindi nila kaya, kasi wala sila nito *turo sa sentido*" si Patricia, saka umupo.

"Don't too harsh to them Ms. Patricia.." Sabat ni Niel.

Akalain mong nandito pala 'to?

"No! Hindi harsh ang pagkakasabi ko Sir Niel. Problema na nila yun, kung masasaktan sila." She paused tas pinakatitigan ko ang buka ng bibig nya. "Masyado silang bobo" lalo kong naiyukom ang kamao ko!

"--but it doesn't mean maliitin mo ang kakayahan nila."-Niel

"Umamin na silang hindi nila kaya." -Si Patricia habang naka-cross arm pa. Bastos!

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon