Maaga akong nagising para tulungan sana si Mama na magluto. Kaso, pagbangon ko nadatnan ko si Jeremy na seryosong seryoso na nakatingin sa screen ng Laptop nya.
Tinapik ko ang braso nya. "Seryoso ah. May problema?" Imbis na sagutin, tinitigan nya lang ako at bumalik ulit sa pagkakatitig sa laptop. Na-curious naman ako, kaya tumingin na ko.
Puro folder yun at mabilis na nagtitipa si Jeremy sa keyboard.
"There's someone, hacking our life background" kunot noo akong napatingin sakanya.
"Sino naman yun?" Kumibit balikat lang siya at patuloy pa rin sa pagtipa.
"Shit!" Pinitik ko ang nguso nya. Ke-bata nagmumura na!
"Ako na d'yan! Weak!" Anas ko. Kinuha ko ang laptop sakanya at ako ang nakipaglaban kung sino man ang gustong mang-hack sa buhay namin.
Bumuntong hininga muna ako at nag-simulang pasayawin ang mga daliri sa keyboard. Kalahating oras din bago natapos... at dahil magaling ako hindi nag-wagi ang hacker. Psh! Sisiw!
"Anong ginawa mo?" Si Jeremy katatapos nya lang maligo.
"I delete all the dubious information" napangiwi sya. Ngumiti ako "Don't worry, yung mga simpleng information lang naman ang nandoon."
He just nodded at inihagis ang tuwalya papunta sakin "ikaw naman ang maligo"
"Okie doki" sabay kindat ko sakanya.
Pagpasok ko sa C.R, inilabas ko kaagad ang cellphone ko at tinawagan si Marvilan. Mabilis nya naman itong sinagot.
"There's someone who wants to infiltrate our background. Hangga't maari alamin mo kung sino yun."
"Yes Ma'am"
"Okay thanks. Good morning anyways." At saka ko in-end ang call.
Matapos maligo at kumain, pumasok na kami ni Jeremy.
"Sa sobrang talino ko, baka next year maging kaklase mo na rin ako." Pagyayabang nitong bubwit na 'to.
"Sa sobrang kayabangan mo baka yung kamao ko lumipad sa mukha mo." Umirap lang sya at nagtatakbong pumasok sa room. Bakit kasi kailangan pang ihatid 'to? Isip matanda na naman 'to!
Napaigta ako sa kinatatayuan ko. Nakaramdam kasi ako ng parang may nagmamasid sakin kaya lumingon ako at nakita ko si Kent.
Nakangiti ito. "Anong ginagawa mo dito?" I asked
"Sinusundan ka"
"Bakit?"
"Syempre, pag sinabi ko bang susunduin. kita papayag ka? Hindi diba? Kaya sinusundan na lang kita." Napairap na lang ako sa hangin at nagsimula nang maglakad. "Back to iwas again Dora?"
Hindi ko sya pinansin. Nakasunod lang sya.
"Meron ka ba ngayon? Bakit ang sungit mo nanaman? Okay ka naman kahapon." Nagtuloy pa rin ako sa paglalakad at hanggang sa hinawakan nya ang pulsuhan ko at pwersahang iniharap sakanya. Medyo nabigla ako sa nangyari kaya na-out of balance ako at napadiretso sa dibdib nya. Matagal bago ako nakaalis sa bisig nya, naramdaman ko kasi ang bilis ng tibok ng puso nya.
"A-ang bilis.." Wala sa sariling ani ko.
"Y-yeah mabilis talaga 'yan kapag sobrang lapit mo saakin." Napatingala ako at napaawang ang labi ko nang konting distansya na lang ang pagitan ng mukha namin. Konti na lang at mag-di-dikit na ang labi namin. Napatingin ako sa labi nya at bigla na lang napalunok at saka itinulak sya palayo.
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-