Mei Naydyel De la Cruz's P.O.V
*1 message received*
Ang pogi q tlga: Sabay taung kumain sa canteen ha? Lab u! ;D
Tch! Bangag ka talaga!
"NAYYDYEELL!"
Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko sa sigaw ni Alli.
Kailangan ba talagang sumigaw?Napadako ako sa hawak nya. May dala-dala syang baunan, hmmm~ siguro sabay silang kakain ni Niel.
'Lunchbreak na kasi'
"Uhh-Hi Alli." Bati ko nang nakalapit na sya sakin.
"Kumain ka na?" Umiling ako. " Tara sabay ka na samin ni Nathan Hihi! Marami akong dalang foods~ ako nagluto nito hihi!"
"P-pasensya na Alli, pero may kasabay kasi ako." Lumungkot ang mukha nya pero agad din itong napangiti. "Edi isama mo rin sya hihihi!" Natatawang umiling iling ako.
"Sorry talaga."
"Hindi ka na ba mapipilit? *pout*" syete! Ang cute!
"Hindi talaga. Sorry."
"Sino ba 'yung kasama mo?" Nag-isip pa ko.
Si Angel--"Kent!" Nagulat ako sa nasagot ko. Taliwas nung nasa isip ko.
"Kent? Pangalang lalake yun ah? Uyy~" tiningnan nya pa ko ng makahulugan. Umiling iling na lang ako. "Sige na. Kumain ka na. Halata na sa mukha mo ang gutom. Hihihi! Basta mamaya, kami ulit ang mag-hahatid sayo." tumango na lang ako para manahimik na sya..kapag kasi humindi ako, mahabang paliwanagan nanaman ito. Nagpaalam na ko sakanya at dumiretso na sa canteen.
***Canteen***
"Pasensya na kung hindi kita nasundo sa room mo. May inisikaso lang kasi ako." Nasa kalagitnaan ako ng kain nang may biglang tumabi sakin at nagsabi ng ganyan. Hindi na ko lumingon pa, kilalang kilala ko ang boses nya. 'Si Kent'
"Sayang naman. Bumili ka pa, may dala pa naman akong pagkain para sayo.." inilapag nya ang pagkain sa tapat ng plato ko. Sinigang na hipon tas yung kanin may design pang smiling face. "Malungkot na tuloy yung kanin.." ani pa nya at iniba ang form ng labi, kaya nagmukha ng sad face.
Hindi ko napigilan, napangiti ako. Kahit papaano marunong naman akong maka-appreciate.
"Tch. Ngingiti ngiti ka pa dyan. Masayang masaya ka nanaman dahil itatapon ko nanaman." Ngusong sabi nya.
"Kakainin ko 'yan. Wag kang ano!" Lumiwanag naman ang mukha nya. Natawa naman ako.
"Talaga?...baka naman napipilitan ka lang?" Umiling ako. "Sigurado ka? Hindi ka pa busog? Baka isuka mo lang 'yan?"
"Ano ba?! Ipapakain mo pa ba 'to?" Inis kong sabi.
"Ay hehe! Joke lang. Sige, tikman muna dali! Excited na ko." Batang akto nya. Napailing na lang ako at tinikman.
"Masarap." Ani ko. Lumiwanag ang mukha nya.
"T-talaga di nga?"
"Ayoko ng ulitin." Anas ko.
"Hehe. Sige ayos na yun. Sige~ kain ka pa."
"Ikaw? Hindi ka kakain?"
"Makita kitang kumakain busog na--"

BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-