#15

180 21 2
                                    

Sa wakas! at natapos ko din kumpletuhin 'tong mga nasa listahan. Oh yes~ oras na para kumain.

Ngayon ko lang nalaman, mayaman pala si Leader..akalain mong 300 ang budget ko. Hehe galing ko talagang mang-uto.

Pero bago muna iyon, dadalhin ko muna 'tong gamit ko sa Baggage Counter, para walang dalahin.

Matapos kong makuha ang number.

"Bumili muna tayo ng keychain, bago manuod."

Parang kilala ko ang boses na yun. Lumingon ako sa kasunod ko at---

*Dugdugdugdugdug*

Nanlaki ang mata ko at kumaripas ng takbo. Nagtago ako nung makita ko sya. Si Niel, may kasamang babae.

Pagkatapos nilang makuha ang number, lumapit agad ako sakanila. Bale nasa likuran nila ako.

"oh~ how I miss this place Nathan." sabi nung babae.

Kumirot ang puso ko nung inakbayan ni Niel ang babae.

"Bakit anu-ano ba ang namiss mo dito?"-Niel.

"Hmm. Like the Smokes of Vehicles. The Garbage somewhere, the beggar who always requesting money ahmm----aww" biglang kinutusan ng mahina ni Niel yung babae.

"so 'yan pala ang tingin mo sa Pilipinas?"

"haha ofcourse not, I'm just Kidding you know. Well! I just miss my fiance, that's all."

"I miss you too."

Napatigil ako sa paglalakad, nung nagsabi si Niel ng ganun. Ang sakit grabe!

kahit nasasaktan na, susunod pa rin ako. Konting tiis pa Mei.

Dumiretso naman sila sa nagtitinda ng Keychain. Kaya pumuwesto ako sa maraming tao.

"Look, Nathan. Is this good for my cellphone?" sabi nung babae habang pinapakita sa ere, yung keychain na ang design ay pink na teddybear.

Nag-thumbs up lang si Niel, namimili rin kasi sya ng keychain nya.

Hindi ko tuloy mapigilan mapatingin sa babae. Blonde hair nakow~ baka naman kinulayan nya lang yung buhok nya. Kissable lips o baka naman nag-lipstick sya para maging kissable ang lips nya? Matangkad,baka nag-go-growee? maputi, for sure naliligo lang 'to sa gatas. Teka nga lang, bakit ba ko namimintas dito?! aist!
.
.
.
.
.
Nang matapos nilang bilhin yung napili nilang Keychain. Tumingin yung babae sa wristwatch nya.

"Nathan! The movie is already about to begin. Let's go." sabay hawak nung babae sa kamay ni Niel.

"Haha Calm down, Alli." Ah Alli pala ang pangalan nya. Pero bago muna yun, bigla akong nagkanda-ugaga dahil, PAPUNTA sila MALAPIT sakin!

Sa sobrang panic ko na baka makita ako ni Niel di ko namalayan...nasagi ko pala ang mga naka-display na Keychain. Hala!

Dali dali akong lumuhod at pinulot isa-isa. Hala! center of attraction ako ngayon. My God!

"Tulungan na kita Miss."

napatalon ako bigla nung marinig ko ang boses ni Niel. Oh My God! Inayos ko ang Bangs ko, at tinaklob ko ng buhok ko ang mukha ko. Ayokong makita nya ko.

"I'll help too." si Alli, at saka sya lumuhod din.

*Dugdugdugdug*

Kinakabahan ako, baka makita nya ko---

*tzzt*

Agad kong inilayo ang kamay ko sakanya nung nagkadikit ang kamay namin.

"ah sorry Miss." tumango lang ako. Nang matapos.

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon