**
"Hindi susuko, hindi susuko! Pwes! Ngayon, maaga pa lang SUMUKO KA NA!" Sigaw ko sa screen ng cellphone at hinagis sa higaan at saka humiga.
Peste! Ayoko ng ganito!Problema na nga kay Unknown Guy, pati ba naman si Ravi dumagdag pa...at sumingit pa 'tong si kent! Peste talaga!
*bzzzt bzzzt*
Napatigil ako sa pag-iisip nang nag-va-vibrate yung cellphone sa likod ko. Bumangon naman ako...
May tumatawag.
Ang pogi q tlga calling...
Answer Decline
S-si Kent! S-sagutin ko ba?
.
.
.
.
.
.B-bahala na nga.
Tiningnan ko sina Mama at Jeremy na mahimbing na natutulog at saka dahan-dahan akong naglakad papalabas.
"Hel---."
[----Gusto kita.]
*dugdugdugdug*
[Sobrang gustung-gusto kita..]
"Tumigil ka na Ke---."
[...bakit Mei? Wala na ba talaga akong pag-*hik* pag-asha? *hik*]
"T-teka lasing ka ba?"
[Ako? Hindi ako Lashing ah~]
"Eh bakit ganyan ang pananalita mo?"
[Ehehehehe...Wala namang problema sha boshes ko ah?]
"Matulog ka na nga---."
[Alam mo kung ano ang problema ko---ay mali...kung SHINO ang problema ko?]
"Wala akong pakie---."
[Ikaw at si---.]
"---I-e-end ko na 'to... Bye!" In-end ko na nga ang call. Pero tumatawag pa rin sya. Tiningnan ko ang oras 10:25 pm na. Kailangan ko na talagang matulog.
*bzzzzzt bzzzzt bzzzzt*
Sige lang..tumawag ka lang, mag-sasawa ka rin.
Bumalik na ulit ako sa pagkakahiga. Haaayy!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Inabot na ng Twelve am,pero hindi pa rin tumitigil sa pagtawag si Kent. Hindi rin ako makatulog ng dahil...sakanya.*bzzzt bzzt bzzzt*
Lalalala~
*bzzzt bzzt bzz---.*
Hayun!
Sa wakas at tumigil na. Kinuha ko ang cellphone ko, at 88 missed call ang tumambad sakin...na puro kay Kent lang.

BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-