#6

206 25 10
                                    

"Nahihibang ka na ba? anong pinagsasasabi mo jan?" anong Date ang pinag-sasabi nitong si Kent?!

"Wag kang feeling Girl, hindi tayo totally mag-de-date. Doon kita tuturuan."

"eh bakit kailangan pang pumunta sa mall? kung 'tong libro na lang ang pag-aralan natin!"

"tsk. sige sa libro ka mag-aral. Tingnan natin kung pa'no mo maiintindihan yung mga meaning dyan." sabay irap nya. teka sino ba babae dito? maka-irap sya expert na.

"oo na sige na. Saan ba tayo pupunta?"

"ano gusto mong unahin nating subject?"

"math."

"naks! math talaga."

"ano nanaman bang iniisip mo?"

"wala. Tara na nga."

"saan?"

"sa palengke."

"Ano?! bakit doon?"

"mag-so-solve" walang kwenta nyang sabi. Baliw na talaga sya.

*sa palengke*

"tingnan mo, nakikita mo ba yung mga ale dun." sabay turo ni Kent, tiningnan ko naman.
"nag-tsi-tsismisan lang naman eh!" sabi ko, pa'no ba naman mga nagbubulungan eh may customer sila sa harapan nila.Tsk.

"Tanga. Di sila nag-chi-chismisan, nag-uusap sila kung ano ang gagawing presyo nila dun sa baboy." ahh. eh bakit kailangan nya pa kong sabihang tanga?! bwisit!

"nuh connect?" napa-smirked naman sya at lumapit sakin, si antras naman ako.

"simple, alamin mo yung presyo na pinag-uusapan nila. Dapat ikaw muna ang makaalam bago ang customer." I just tss-ed.

"niloloko mo ba ako Lalake?!"

I give him a death glare, ano tingin nya sakin tsismosa?!

"kahit titigan mo ko ng ganyan Girl, wala ring mangyayari. Unless kung gagawin mo. Talagang ikakamatay ko yun."

"Just Shut Up! will you?! I'm going home na lang. Useless ang pag-tu-turo mo sakin. Your just fvking playing around." sabi ko, mainit na talaga ang ulo ko sakanya. Kung anu-ano na tuloy ang lumalabas sa dila ko.

"Hala! you said F*ck?! oh my! Girl, gusto mong makipag-s-- Hala!" over act nyang sabi. Inirapan ko na lang sya, at binanatan ng...

"BWISIT!" Tumalikod na ko sakanya at aakmang maglalakad na kaso may narinig akong di nakakaganda sa tenga ko.

"Hi Jeremy.... Nand'yan ba ang Mama mo?... Gusto ko sana syang makausap.... ....Hahaha oo sige kapag may oras ako, maglalaro tayo....Ano? nandyan na? haha sige, pabigay muna 'to..." Tinitigan ko ng mabuti si Kent, anong pinaplano nya?!

"Good Evening Tita.... Haha long time no see po hehe....ahh gusto ko po sanang sabihin na, ako po yung bagong tutor ng anak nyo hehe...... opo....eh kaso nga lang po, my problema.....opo....ayaw po kasing sumunod sakin ni M--" di ko na sya pinatapos. In-end call ko na agad.

"BLACKMAILING KA!" sungalngal ko.

"Minsan kasi sunud-sunod din pag may time." pang-aasar nito.

"P-pa'no mo nakuha ang number ni Mama? Bakit pati si Mama, kilala mo?" minsan nahihiwagaan na ako kay Kent, ang dami nyang kilala. Pati
pamilya ko kilala nya.

Identify Mr. Kent Ramos
-Unknown Guy-

Naalala ko bigla ang sulat ni Unknown Guy. Oo tama sya, gusto ko ring makilala si Kent.

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon