"HOY!"
"KENT!"
"HOY KENT!"
Ayaw mong lumingon ah.
*boogsh*
"Aww" indang nya. Binato ko kasi ng bato. Tumama sa batok nya.
"Ano Kent! Baka gusto mong batuhin pa kita ng isa d'yan. Para lingunin mo na ko." Hindi sya umimik, at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"KENT!" Tumatakbo na ko. Nakakahiya naman 'tong ginagawa ko.
"KENT ANGELO RAMOS!" Sigaw ko ulit. Naabutan ko na sya. Hinawakan ko sya sa braso at iniharap ko sya sakin.
Seryoso ang mukha nya.
"Nagmura ako." Sabi nya. Huh?
"Ano?"
"Pinagmura mo ko." Napataas ako ng kilay.
"Hindi ako nagmumura. Pero ng dahil sayo, napamura ako." Kalmadong sabi nya. Kumunot ang noo ko.
"Kasalanan ko pa?" Sabi ko. Hindi sya nagsalita. Ngumiti lang sya.
"Bakit mo ko sinundan?" Tanong nya.
"Kasi nagmura ka." Sabi ko ng pabiro. Lumungkot naman yung mukha nya.
"Bad na ko. Nagmura ako. Suntukin mo nga 'tong nguso ko." Boses bata nyang sabi.
"Isip bata." Nasabi ko na lang. Ngumuso lang sya.
"...Walang 'kami' ni Ravi. Nakisabay lang akong kumain sakanya." Napataas sya ng kilay. Tch!
"Wala ngang 'kami'. Sige sasabihin ko. May gusto si Ravi kay Angel, so ngayon...humingi sya sakin ng halimbawa, kung pa'no pakiligin yung babae."
"...oh edi sabi ko, sabihin nya yung mahal kita with emotion, para ramdam nung babae, at saka makipagtitigan sya kay Angel. Kung si Angel ang unang umiwas, ibig sabihin naiilang sya. Kaya ayun, sinubukan nya sakin. Ano gets?!" Mahabang paliwanag ko, at saka tumingin sakanya.
Nakangisi ang loko!
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Iritang sabi ko. Pang-asar yung mukha nya.
"Hmm. Wala naman." Sabi nya, habang nakahawak sa bibig nya. Ano daw?
"Ewan ko say--"
"Umamin ka nga Girl. May gusto ka na ba sakin?" Nanlaki naman ang mata ko.
"Anong pinagsasabi mo d'yan?"
"Sus! Deny ka pa." Kinikilig na sabi nya.
"Papasok na ko." Tumalikod na ko. Pero pinigilan nya ko.
"May thirty minutes pa tayo. Sulitin na natin."
"Yun nga. Susulitin ko na ang oras ko. Matutulog ako sa room." Sabi ko.
"H'wag ka na matulog. Mabibitin ka lang Mag-bonding na lang tayo."
"Ayo---."
"--sige na. Minsan lang naman tayo magkasama, saka malay mo... Magbago desisyon mo, edi happy na ko." Napa-iling iling na lang ako. Ngumiti naman sya, at saka pinisil ang pisngi ko. "Aray!" Indang ko.
"Kaya lalo akong naiinlove sayo eh" bulong nya.
"Tara doon tayo. Mahangin dun." Sabi niya at sabay higit saakin. Umupo kami sa damuhan.
"Dora~ panget ka ba?" Paninimula nya.
"Bakit?"
"Anong bakit? OO kaya hahaha!" Aba't
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-
