#14

227 21 4
                                        

Hmm. Nasa'n ako?

"Mama mama, si Ate gising na." Bakit naririnig ko ang boses ni Jeremy?

"Harujusko! Salamat at gising ka na Mei." Boses ni Mama.

Tumingin tingin ako sa paligid. Nasa bahay pala ako.

Bumangon na ko, at isang malutong na kutos ang nakuha ko kay Mama.

"Aww bakit mo ba ko binatukan Mama?"

"Luku-loko ka bang Babae ka? Sarap ng tulog mo sa kotse ni Sir ah!"

"Huh?"

"Ha-ha-ha halatang may gusto si Ate kay Sir." Pang-aasar nitong si Jeremy. Pero di ko na lang ito pinansin, baka kung saan nanaman kami mapapunta nitong Bubwit na 'to.

Teka ano bang nangyari kanina? Ang alam ko malakas ang ulan. Tumingin ako sa bintana. Mahina na.

"Ma anong oras ako inihatid ni Sir dito?" Tanong ko.

"5:30 pm." 5:30? Eh diba...

Baka panaginip lang yung nangyari kanina. Napailing-iling na lang ako.

"Magbihis ka na at para makakain ka na." Sabi ni Mama. Tumango na lang ako.

Sa paghubad ko ng palda may napansin akong may nahulog.

Yung sulat ni Unknown Guy.

10/05/2015

He's planning to kill Mr. Madison.

-Unknown Guy-

Teka parang nabasa ko na 'to?

Napailing-iling na lang ako. Potek! Ang bata ko pa para maging makakalimutin. Pero clueless talaga ako kung ano ang nangyari kanina.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita kong may 5 messages akong na-received.

From:Panget na Niel<3

Gud evening! Hindi n kta ginising, ang sarap kc ng 2log mo. Sir Niel

From:Panget na Niel<3

Sweet dreams.

From:Panget na Niel<3

Congratulations!

Napakunot ang noo ko. Anong Congratulations? May award ba ang pagtulog ko? Ini-scroll ko pa ang mga messages, at dun ko lang na-realize ang text ni Niel.

From:Panget na Niel<3

Haha! Forgot to say. You passed your special exams.

From:Panget na Niel<3

Congrats again. :)

Napangiti naman ako dun. My God nakapasa ako! Edi may chansang makaka-graduate ako. My God! Oh yes! Thank you Lord!

Pero agad din naman akong nalungkot,ibig ba sabihin nun hindi ko na sya makikita? Pinindot ko ang Reply.

To:Panget na Niel<3

Yeah! Salamat.

Pinindot ko na ang Send. Pero mga ilang segundo pa ang nakalipas, may tumunog na agad sa cellphone ko.

Message not send.

Potek! Wala nga pala akong load! Tsk.

"Nak di ka pa ba tapos jan?" Halos mabato ko na yung cellphone ko sa gulat,nung biglang nag-salita si mama. Tsk.

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon