Spell ASSUMING. M-E-I. Hindi nya ko niyakap. Lumapat lang ang likod nya sakin,para isama yung mga baso sa huhugasan ko! Tss. Awkward ako!
"Di ka pa ba uuwi Sir? Baka kasi hinahanap ka na ng Mapapangasawa mo!" diniinan ko ang salitang mapapangasawa, Bitter ako. Tss!
"She's not here" Napataas ako ng isang kilay,at dahil di ako marunong magtaas ng isang kilay. Dalawang kilay ang tumaas sakin.
"Malamang! wala talaga sya dito sa bahay. Ano mumu lang, umaaligid?" Ke-Teacher Tanga.
"Idiot. She's not here in Philippines, nasa U.S sya."
Ahh. Kaya pala, di nya man lang dinadala yung girlfriend nya sa room. Now I know. Ehh? Teka sinabihan nya ba kong 'Idiot'?
"Hoy, Sir Sinong Tanga? AKO?" malakas ang pagkakasabi ko.
"Oo, sino pa ba kausap ko dito?" Arrghhh NAMILOSOPO pa! Bahala ka nga d'yan! Tatapusin ko na lang 'tong hugasin na 'to.
Pero, one thing napangiti ako ng patago. Na miss ko yung asaran namin. Miss na miss ko na talaga sya.
Ilalagay ko na sana yung mga kutsara sa lagayan, kaso pinigilan nya ko. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Tulungan na kasi kita."
"Umuwi ka na Sir." Pero parang wala syang narinig, nilagay nya na ng tuluyan yung mga kutsara. Aist! Bakit ba ang kulit ng lelang nito?!
Bunso kasi kaya lahat ng gusto nya, masusunod! Kung ayaw, ayaw nya talaga! Edi Wow, sya na ang Gurang na Spoiled! Tss.
In the End sumuko na ko, hinayaan ko na sya.
Ako taga-banlaw samantalang sya taga-lagay. Minsan na-cha-chansingan ko sya, nahahawakan ko kasi ang kamay nya. Yiiee Landi hehe.
Matapos maghugas, namaalam na si Sir. Buti naman, hinintay nya lang pala akong matapos maghugas bago sya umuwi. Tss.
"Ah ganun ba Sir... sige. Mei, ihatid mo si Sir sa labas." Badtrip nanunuod na eh! Tumayo na ko at lumabas, sumunod naman si Niel.
"Ihahatid pa eh may paa naman 'yan." Bulong ko.
"Galit ka ba sakin Mei?"
Tumingin ako sakanya.
Oo galit ako sayo! Ang dami-daming kong tanong sayo. Bakit hindi mo ako pinaglaban? Talaga bang hindi mo na talaga ako mahal? Paano na yung Forever and ever natin Niel? Nauwi lang sa Wala!
"I think, alam ko na ang sagot mo." Napatigil naman ako sa pagdadakdak sa isip ko. Anong alam nya na? Tas naramdaman ko na lang bigla na hinawakan nya ang mukha ko, at may pinunas sa pisngi ko.
"Umiiyak ka nanaman." tinabig ko ang kamay nya. Sa bawat pagdampi nya sakin, may kuryente pa ring dumadaloy sakin.
"Umiiyak ka dyan. Di noh!" at saka na ko tumalikod, para bumalik na sa bahay.
"Wait Mei." Hinawakan nya ang braso ko.
"Ano ba sir! Nakakain ka na, Nakausap mo na si Mama. Ano pa bang kailangan mo?!"
"Ikaw."
"Ako?! Nagpapatawa ka ba? Kung oo, sige pagbibigyan kita HA.HA.HA oh yan na. Kaya umuwi ka na!" Tumalikod na ulit ako.
"Hindi ako nagpapatawa!" Nagulat ako sa biglang pagbuhat sakin ni Sir, at buhat pang-prinsesa pa. Ay takte, galit ako ah, bakit kinikilig ako?!
"Ano ba Sir, ibaba nyo ko." Wag..wag mo ko ibaba i-fe-feel ko yung bango mo. Ay Luga!
Ipinasok nya ko sa front seat at nanibago sa amoy ng pabango ng kotse nya. Dahil hindi ito yung pabango na nakasanayan kong amuyin nang kami pa. Masyado itong matapang, hindi tulad dati na makakatulog ka sa sobrang sarap sa pang-amoy ng pabango.
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-
