#7

203 25 4
                                        


Mas nauna pa kong nagising sa alarm clock ko. Kailangan kong gumising ng maaga, para mapatunayan sa sarili ko kung Tindero ba talaga ng gulay si Kent.

"Oh Nak, 3:30 pa lang ah. Bakit ang aga 'ata ng gising mo?" Sabi ni mama, habang nag-li-lista ng mga bibilhin sa palengke.

Imbis na sagutin si Mama nag-change topic na lang ako.

"Ma ako na lang ang bibili sa palengke, dito na lang po kayo muna mag-asikaso sa bahay." Ngumiti naman si Mama.

"Sige. Oh ito listahan, basta kapag nakita mo yung kaklase mo, doon ka agad bumili ha. Sabihin mo ako yung suki nya ha." Tumango na lang ako.

Sumakay na ko ng Jeep, at di ko mapigilang humikab. Mga ilang minutong makalipas, nakapunta na ko. Hmm, sa'n kaya yung lalakeng yun?

"Isda bagong huli."

"Baboy, bagong katay."

"Gulay dyan."

Sa pagrinig ko palang ng Gulay, dumiretso na ko dun.

"Oh Ne, gulay mura lang."

"Anong Hanap Ne?"

"Oh kamatis, bagong pitas."

Mga nginitian ko lang yung mga nag-aalok sakin. Syempre kailangan maging mabait ka. Di yung nakasimangot sa mga nag-ti-tinda.

"Ang sakit ng mata ko, di na 'ata ako makakakita ng hihigit pa sayo."

I was stunned nung narinig ko yung boses na yun. Si Kent. Bakit parang kinabahan ako? Nagtago ako sa tabi, yung hindi nya ko mapapansin. At totoo nga, tindero nga ng Gulay si Kent.

Hanggang dito ba naman, pumi-pick up line 'tong Balugang 'to!

"Hihihi ikaw talagang bata ka. Sya bayaran ko na 'tong pinamili ko. Magkano ba?" Sabi ni Manang, yung binanatan ng pick-up line ni Kent.

"Para sa magandang binibining tulad mo, ehh 150 na lang po." I just Tss-ed.

"Bolero." Bigla kong tinakpan ang bibig ko. Hala narinig kaya nya?

"Hehe, sige anak 200 na lang para sayo. Pinatawa mo kasi ako ngayong araw. Hihi."

"Yown~ salamat po." Naku ngiting aso sya. Dumiretso na ko papunta sakanya. Baka kasi naiinip na saakin si Mama.

"Good Mor---Oww~ Ms. Mei Naydyel De la Cruz." At talagang buong pangalan ko pa?

Inirapan ko sya at binigay na yung listahan ng mga gulay.

"Konting bilis please." Iritang sabi ko. Nagmamadali na talaga ako.

"Chills ka lang, maaga pa para pumasok haha"
.
.
.
.
"Ingatan mo yung palabiro,palatawa, makulit at mapang-asar kadalasan sila yung ma--"

"--sarap magmahal tss." Pagpapatuloy ko sakanya.

"Whow~ pa'no mo nalaman yun?"

"Malamang sa Google!" Sabi ko.

"Ah hahaha, ganun ba." Sabay kamot ng ulo at abot sakin ng malaking eco bag.

Di ko sukat akalain, ang dami palang sinulat ni Mama. Naku~ ang bigat nito.

"Oo kaya ikaw, mag-isip ka ng sayo. Wala kang ka-originality. Tsk."

"Magkano ba?"

"Ang taray mo Girl. Pasalamat ka Mama mo si Tita Lona. Naku kung hindi, di kita bibigyan ng Discount."

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon