"Ajujuju..ang ganda ng story, ajujujuju." Napataas ako ng kilay at tumingin sa nagda-dramang si Kent.
"Hindi naman tragic ang ginawa natin. Bakit naiiyak ka?" Tanong ko.
"Hehehe kasi maganda ang story." What ever.
"Ravi more emotions pa. Si Mei, lang nag-da-dala ng scene!" Inis na sabi ni Leader. Wow first time akong napuri. Hehe. Pa'no ba naman kasi nakaka-relate ako hihi.
"Guys, break muna tayo." Sabi ni Angel, at saka lumapit sakin. "Galing mo ah. May talent ka pa lang ganyan." Tumango na lang ako. Allergic ako sa magaganda!
*Beep* may nag-text.
From:Panget na Niel<3
The result is on Monday. Sir Niel.
"Oh My God!" Napatakip ako ng bibig. Nung nabasa ko yung text na yun, kinakabahan na excited akong malaman ang resulta.
"Bakit Girl?/Bakit Mei?" Sabay sabay na tanong nila.
"Ah hehehe, wala naman." Maniwala kayo, maniwala kayo!
"Ah O-kay."
**
*Sa karinderya*
"Bakit Absent ka kahapon Kent?" Tanong ko. Ngumiti naman sya ng nakakaloko.
"Uyyy halatang namiss nya ko. Ayieee. Wag kang mag-alala 'tong puso ko sayo, ay sayung-sayo lamang--Aww." Hinampas ko ang kamay nya na kasalukuyang nasa ibabaw ng table.
"Umayos ka nga! Sagutin mo na lang ng maayos ang tanong ko!"
"Hmm. Sige,sabihin mo munang Gwapo ako---Aww" hinampas ko nanaman sya.
"Ikaw Girl ha. Yung una trip na trip mong landiin 'tong batok ko. Sunod yung gwapong Kamay ko naman!" Sabay takip ng bibig nya at nag-bu-beautiful eyes.
"Ay! Ewan ko sayong lalake ka! Hindi ka talaga maayos kausap tsk!"
"Hahaha. May ginawa lang kasi akong importante." Sabay subo nya ng kanin.
"Ano naman yung importanteng ginaw---ay wala wala kalimutan mo na tsk!" Pa'no nakangiti nanaman kasi sya ng makahulugan, kaya di ko na lang tinuloy. Tsk!
"Spill it out Girl." Umiling ako.
"De wala yun."
"You know, may napaghahalata ako sainyong dalawa Mei." Sulpot na sabi ni Angel. Kasabay namin silang kumain. Napataas naman ako ng kilay.
"Parang nagkakagustuhan na kayo." Nabailaukan ako sa sarili kong laway, nung marinig ko yun.
"Pfft. Ahahahaha Bakit Gel? Selos ka na ba? Don't worry ikaw lang ang the one ko." Sabay akbay ni Kent kay Angel. Magkatabi kasi sila.
"Bolero!" Bulong ko.
"Pfft.Loko-loko ka talaga." Sabay tinanggal ni Angel yung braso ni Kent.
"Alam mo Angel, sana Secret na lang ang pangalan ko." Bumabanat nanaman ng Google 'tong bangag na 'to!
"Haha bakit Kent?" Tatawang-tawa sabi ni Angel.
"Para kapag ikaw tinanong kung sinong mahal mo, ako ang babanggitin mo."
"Pfft hahaha! boom panes!" Komento ni Ravi.
"Edi wow" sabi ni Leader
"Rock 'n roll to the world!" Sabi naman nitong si Kent.
"POTEK ang hangin!" Sabi ko. Di ko na lang sila pinansin, kumain na lang ako ng kumain.
BINABASA MO ANG
Sinful Identity
Romance***SINFUL IDENTITY*** Every characters is full of mystery. You'll regret if you will know their sinful identity. September 2016 Huwag subukang alamin, kung hindi kayang tapusin. -Unknown Guy-
