#30

8 4 0
                                    


"Okay lang yun, wag ka masyadong mag-alala dun" nakangiting sambit ni Ravi. Tiningnan ko lang sya. Wala ako sa mood makipag-usap.

Nasa labas na kami ng gate, at nakikita ko na ang kotse ni Niel.

"Naydyeel!" Sigaw ni Alli mula sa loob ng kotse, kumaway naman ako sakanya at tumingin kay Ravi.

"Oh sya, una na ko." Pamamaalam ni Ravi. Tumango ako at saka dumiretso na sa kotse.

"Are you okay Naydyel? Did you get hurt?" -Alli

Naalala ko nanaman si Kent. Okay lang ba talaga sya?

"Naydyel"

"Huh? Ah--o-oo okay lang ako. Hindi naman ako nasaktan. Salamat." Sagot ko

"Nabalitaan ko, ikaw ang representative ng school nyo ah?"

"Ahm..Naydyel?"

"Huh? Ah-o-oo"

Hinagod ni Alli ang likod ko. "Naydyel bakit wala ka 'ata sa sarili mo? Are you sure you're okay? You want a hug?"

'You want a hug?'

"P-pwede bang ibalik nyo ulit ako sa school?" Ani ko na ikinagulat nila.

"Why? Did you forgot something?" -Alli

"Oo eh. Pwede ba?"

"Sure. Nathan~ balik ulit tayo sa school."

Sinunod naman nito ni Niel. Nang makarating ulit, dali-dali akong bumaba.

"H'wag nyo na ko hintayin" anas ko.

"H-huh? But why?"-Alli. Hindi ako makasagot. Natutuliro ako sa kaba.

"It's okay. Go on." - Si Niel. Naintindihan nya siguro na ayaw ko munang makipag-usap. "Just take care. Okay? Call me, if kailangan mo ng sundo." I nodded at saka na sila umalis.

Tumakbo ako papasok at pumunta sa room ni Kent. Kaso wala sya. Nilibot ko ang lahat ng rooms, pero wala ring Kent. Pumunta naman ako sa acacia tree at... 'Sa wakas nakita rin kita'

Nakahiga sya. Nakatakip ang mukha nya gamit ang kamay nya. Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya, at saka ko lang napansin na umiiyak sya.

Kailangan nya talaga ng yakap ngayon.

"Yakap gusto mo?" Ani ko.

"Akala ko ba umuwi ka na?"

"May tanong ba na ang sagot eh tanong din?" Pambabara ko. Humalakhak sya ng kaunti.

"Nu ba 'yan.. Nakikita mo kong ganito" ani nya. Nakatakip pa rin ang mukha nya.

"Ano naman?"

"Syempre. Lalake ako. Tas umiiyak. Ang bading lang"

"Anong bading dun? Eh Tao ka naman din, umiiyak, nasasaktan." Ngumiti sya at umupo. "Eww~ sipon. Punasan mo nga 'yan"

Tumawa sya ng malakas "hahaha! Oo na."

"Crybaby ka pala. Hahaha" pang-aasar ko.

Ngumuso sya "offend ka na ganun?"

"Hindi. Ang cute lang"

"Alam ko nang cute at gwapo ako"

"Ang hangin grabe~" anas ko at umaaktong nilalamig. Sinuntok naman nya ko ng mahina.

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon