#11

208 20 1
                                    


"Kent ilan 'to?" Sabay tahaya ng dalawang daliri ko.

"Haha ano ba! Okey nga lang ako haha. Galing ko kaya umilag. Sa gwapo kong 'to--Aww" binatukan ko sya.

"Umayos ka. Kahit na mabilis kang nakaiwas, may sugat ka pa rin!" Yes! Nakaiwas sya. Tumalon daw sya. Sabi na nga ba eh may pagkalahing palaka 'to eh.

"Yiieee sign na talaga 'yan." Sabay sundot sa tagiliran ko.

"U-umayos ka nga! Pabayaan kita dyan eh!" Sabay talikod ko. Pinigilan nya naman ako.

"Haha oo na, ito na behave na ko."

"Saan pa ba masakit ha?!" Kasalukuyang nandito kami sa pagamutan. Aba di biro sugat ni Kent ngayon. May malaking sugat sya sa binti nya.

"Dito oh *pout*" huh?

"Saan? Ituro mo kaya!"

"Dito sa labi ko, kiss mo nga."

"Sige isa lang ha." Sabi ko. Nagulat naman sya. "Oh?! Ano pa hinihintay mo?! Pikit na!"

"Hehehe sige. Pwede bang mag-toothbrush muna?"

"Nah. Okay na yan di naman ako maarte." Balewalang sabi ko. Pumikit na sya at lumapit na ko sa mukha nya.

"Hmmph!"

"Oh yan! Halikan mo yang kamay ko!" Sabay bitaw ko sa nguso nya. Hinigit ko kasi haha!

"Woah! Ang gwapong kissable kong Lips! Ajujujuju. Pagbabayaran mo 'to!" O.A nyang sabi. What ever!

"Mamahinga ka na jan."

"Haha tapos na kaya ako magpahinga, uuwi na ko. Gagawa pa ko ng taho."

"Sige subukan mong maglakad! Tatawananan pa kita kapag nadapa ka." Sabi ko.

"Haha eii syempre, bigyan mo ko ng saklay para makalad ako." Matalino rin 'tong lalakeng 'to eh.

"Oh sambot." Sabay nag-po-pose akong ihahagis ko sakanya yung dalawang saklay.

"Grabe ka naman Dora~ wag namang ganyan." Pfft. Natawa na lang ako sa itsura ng mukha nya. Haha. Sarap din palang pag-tripan nitong Lalakeng 'to haha.

"Eh d'yan ka nga muna daw pansamantala sabi ng Doktor." Sabi ko.

"Psh. Ayoko nga eh *pout*"

"Bakit dahil magtitinda ka ng Taho?!"

"Hindi."

"Eh ano?!"

"Wala kasing 'Cute' sa baranggay kapag di ako lumabas." Seryosong sabi nya. Napairap ako ng di oras, di talaga mawawala sakanya ang kahanginan nya. Tsk!

"Tara na nga! Ihahatid na kita!" Sabi ko. Aba baka kung anong mangyari dito sa pilantod na 'to eh. "Pero...Kent. Hindi ka ba nagtataka kung sino ang naglagay ng pasabog dun?"

"Hmm~ syempre, nagtataka rin. " Bigla akong napaisip. "Haha! Hayaan mo na. Baka may tao lang na may galit sakin, kaya ginawa yun."

Napailing na lang tuloy ako.

**
"Pa'no ba 'yan tayong dalawa lang ang nandito."sabi nya na taas baba ang kilay nya.

Tumingin ako sa paligid, malinis ang Room nya ah.

"Pfft." Napatakip ako ng bibig.

"Bakit anong nakakatawa Girl?" Di ko na mapigilan---

"BWAHAHAHA PINK! COLOR PINK! ang ROOM mo?! BWAHAHAHA! BAKLA ka. CONFIRM! WAHAHAHA"

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon