#37

14 2 0
                                        


Kinabukasan

Nakakailang buntong hininga na ko sa tuwing nakikita ko ang hitsura sa salamin.

"Are you ready baby?" Si Nathan habang nakasandal sa pintuan ng kwarto ko.

I sighed "No" malungkot kong tugon

Bumakas ang pag-alaala sa hitsura ni Nathan. Lumapit sya sakin "Nervous?"

"No"

"Then why?"

"Look hon" Umikot ako sa harapan nya

"You are georgous" puri niya

"That's not what I mean Nathan. This dress, parang kinulang sa tela! Kitang-kita ang likod ko at ang cleavage ko" I pouted.

He laughed "change it"

"Hindi pwede. Ito ang pinapasuot saakin"

He chuckled "then..you don't have a choice" lalong humaba ang nguso ko. "Common baby. Allison and your Dad are waiting"

Nagulat naman ako "Bakit kasama si Allison?"

He shrugged his head "moral support... I guess"

Ano 'to happy family?
.
.
.
.
.
.
.
.
Bumaba na ko sa hagdan. Mga nakangiti ito saakin. Pero hindi ko sila ginantihan. They are pretending that we are okay!

"You're pretty Sis" -Allison

Tinanguan ko lang sya. Tumingin ako kay Nathan, lumapit naman sya sakin at pinalibot ang dalawang braso nya sa beywang ko "Well congrats again baby" he kissed me na parang walang nanunuod samin. "hintayin kita sa pag-uwi mo" dagdag pa nya.

Matamis na ngiti ang ibinigay ko sakanya. Saka kami umalis.

Nasa loob kami ng kotse. Napapagitnaan namin ni Allison si Daddy-- hanggang sa tumikhim sya. Pareho kami ni Allison na napatingin sakanya.

Tumingin sya sakin "ready to your speech? Handa na ba ang lahat?"

I nodded at naalala ko ang pagtulong saakin ni Nathan kaya bigla akong napangiti.

"Do you have a copy?" -Daddy asked and I said 'yes' "Give it to me" awtoridad na sabi nya.

Baka gusto nya lang i-double check. Binigay ko naman agad sakanya. Isang minuto nya itong binasa at saka pinasa naman kay Allison.

"Memorize that, hangga't hindi pa tayo nakakarating" utos ni Daddy kay Allison

Nagtanong na ko"Why? That's my speech. Bakit kailangan nyang sauluhin?"

Ngumiti ng kakaiba si Daddy "Thanks for your hardwork Alliyah. Allison deserved that promotion"

Inaatake nanaman ako "w-what do you mean Daddy? That promotion is mine! Pa'nong napunta ito kay Allison?"

"Ang project na sine-send mo sakin ay para kay Allison. Matagal na kong tumigil sa trabaho, kaya kay Allison ko ipinamana ang kompanya"

Umiling ako "No! Sigurado akong pangalan ko ang pinoromote ni Ms. Fideli!" gusto kong ipakita sakanila ang text sakin ni Ms. Fideli, kaso naalala kong hindi pa ko nakakabili ng bagong cellphone.

Ngumisi si Dad "yes sayo nga. Pero pwede pa naman 'tong bawiin sayo, at nagawa ko naman 'yon"

"And.." He paused "Just to remind you, Allison is the real C.O.O, you are just his secretary"

Sinful IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon