“Miss Villanueva..” Huh? Sino yung naririnig ko? Tumatawag saakin. “Miss..” Erm? Binuksan ko yung mata ko..Huh--? “Miss Villanueva!” Kinamot ko yung magulong buhok ko at ang mga mata ko.. Yaawn— “Miss Villanueva Look at the time!” Huh? Tinignan ko yung relo ko 6pm na!? “Ha!?! A-anong Nangyare!” Napatayo ako sa upuan ko sa sobrang gulat. Ugh! Sumakit yung ulo ko. “You fell asleep Miss..” Teka nga muna—sino ba tong kausap ko? “Teka nga muna! Sino ka ba?? “
“Taga pagsundo po—may pupuntahan tayo Miss Villanueva” Hinila niya ako hawak hawak niya yung kamay ko “Miss – Dalian natin ha?“ ang sungit naman to' “Ha?” Tumakbo kami patungo sa labas ng school. Halos madapa ako sa takbo. Pinasok niya ako sa kotse. “hah? Ano to? Bakit ako nandito? HOY! San mo ako dadalhin!?” Nagdrive nalang yung lalake. “Hoy! Kinakausap kita!? Saan—“ Huh!? Sino tong katabi ko “Uy—sino ka?”
Tinitignan ko yung katabi ko. Naka mask kasi eh “Uy—sino ka?” Inaalog ko na siya. “Mamaya mageexplain ako Miss Villanueva!” Explain? Ang alin? Natahimik nalang ako.. Explain? Tinignan ko nalang yung bintana, parang hindi ko na alam tong lugar na to ahh.. “Miss Villanueva & Young Master nandito na po tayo sa Mansion.” Nagulat ako.. “Teka Mansion? Nino?”
“Tara na Miss—“ Sabay labas ng kotse. “Bakit ka ba naka mask ha? May pupuntahan ba tayo na Masquerade ball?” nag-giggle siya. “mamaya e-explain ko nga sayo diba? Ang kulit!” lumabas na ako sa kotse tsaka dumiretso sa loob ng mansion. May nakahilerang mga katulong. “Welcome home young master” Teka—Master? Tinignan ko yung katabi ko..tinanggal niya yung mask niya..Woah!? Si Jhomar! “Bakit mo ako dinala dito Mr.sunget?” Tinignan niya ako tsaka ngumiti
“tara na babe—Papakilala kita kila papa!” Huh!? Anong Babe! Inakbayan niya ako papunta sa isang kwarto at pumasok kami “Welcome Iha!” Eh!? A-ah ano to!? “babe si papa nga pala!” Ngumiti nalang ako. anong babe!? “Simula ngayon iha tawagin mo na akong papa ha?” PAPA!?! Ano to’?Ngumiti nalang ako.
“Pa! Usap muna kami ni Janella sa kwarto ha?” sabi ni jhomar. “oh sige anak—“ Ngumingiti siya saakin. hinawakan ako ni jhomar sa kamay at pumunta kami sa isang kwarto. “HOY! MR. JHOMAR CARLO DEL MUNDO! Anong nangyayari ngayon ha!?” Hinawakan niya ako sa bewang “Listen to me very well okay?” Gulp..tinanggal niya yung kamay niya sa bewang ko at kinamot-kamot niya yung buhok niya. "Arranged marriage to’ Janella, kaya wala na akong choice sinabi ko nalang na mag syota na tayo para hindi na mahihirapan si papa.. ayaw ko nahihirapan si papa kaya ayon—nasabi ko yun.. magpapakasal tayo sa next Sunday. Be ready—“
“HA!? Marriage di naman ako nagagree ha! WTF!? Ano!? Paano?!” nagulat ako sobra-sobra!? I'm still YOUNG! ikakasal ako!? “Hindi mo pa pala alam—ito ieexplain ko lahat.. Yung papa ko at papa mo magkabarkada nung mag business partner sila—nag promise sila na kung may anak na sila na babae at lalake..magpapakasal sa isat isa—and that agreement nakasalalay saatin.. wala na akong magagawa nakaplano na ang lahat—kahit ikaw wala ka na ring magagawa.” Oh my god—nawawala na yung buhay ko.. bakit to’ nangyari saakin..
Lumapit saakin si jhomar “Kahit magpapakasal na tayo. NEVER kita magugustuhan, Wag ka na ding masyadong pumunta sa classroom ko para ibigay yung love letter ha?” Sinampal ko si jhomar “LOKO KA! Kung akal mo magugustuhan kita!? Never ! Love letter? Wala akong ibibigay na love letter nun! Wag kang assuming! Panget mo nga eh! Tskk—“ Mukhang naispeechless ko tong lalake na to haha! Paalis na ako sa kwarto
Nang—
Hinatak ako ni jhomar sa higaan, Kitang kita ko yung galit niya sa mukha niya “Ako? Panget? HEH! Nagpapatawa ka ba? Baka nga ikaw jan!” Dinaganan ako ni jhomar sa tyan “H-Hoy! A-ang s-sakit!” hindi ako makahinga tae—ang bigat ni jhomar! Umikot ako para makahinga. “Young Master ~Kain na po—“ Huh?.. HULI ANO PO!? nakatingin lang kami sa katulong.. awkward yung position namin. hinubad niya yung tshirt niya. “Maya na muna may ginagawa pa kami ni babe ko..”
BINABASA MO ANG
High School Bride
RomanceHigh School Bride - pinaghalong kalokohan,slice of life,romance & wild imagination! Mabubulabog ang buhay ng isang tahimik na babae dahil sa isang "PROMISE".magagawa niya kayang kanyanin? o mag gigive up nalang siya at tatalikuran ang lahat? Sari...
